Ilang Kapamilya Shows Mapapanood na sa TV5; John Lloyd Cruz, Babalik na rin ba sa Home Sweetie Home?

Dahil nga sa pagsasara ng Kapamilya Network ay hindi na natin mapapanood sa telebisyon ang ating mga paboritong programa na ating inaabangan na kung saan ay nagbibigay sa atin ng kaligayahan.

Ngunit, sa kabilang banda, ay maswerte pa rin ang ilan sa mga programa ng ABS-CBN na maisasalba dahil sa pakikipag-ugnayan ng Network sa TV5. Sa Auguts 31 nga, ay magkakaroon ng malawakang workforce retrenchment sa ABS-CBN kung saan ay magbabawas na ng tauhan ang network ngunit kanila pa ring aasikasuhin kung saan nila dapat ilagay ang mga ito. At pagkatapos nga ng August 31, ay magkakaroon ng malaking announcement ang TV5 sa mga bago nilang programa, kabilang na nga rito ang ilang Kapamilya shows.




Ang mga programa na ililipat sa TV5 na mula sa Kapamilya Network, ay babagohin lamang ang title at maging ang mga casts ng bawat programa ay mag-iiba rin dahil nga sa pagbabawas ng empleyado. Kabilang nga sa mga programang malapit ng mapanood sa TV5 ay ang gag show na Banana Sundae at sitcom na Home Sweetie Home. Ang mga programang ito ay ipo-produce na ng former Negros Occidental Third District Representative Albee Benitez.

Photo credits: www.google.com 

Dahil nga, nagbawas ng empleyado, mababago rin ang mga cast members ng bawat programa. Ang Banana Sundae ay mag-iiba na rin ng mga cast members dahil mga piling talent na lang ng Star Magic ang isasalang sa programa. Sa sitcom naman na Home Sweetie Home, ay may bagong cast na isasalang.

Ngayon nga, ay planong kausapin ng producer ang aktor na si John Lloyd Cruz upang muling bumalik sa pag-arte sa sitcom. Matatandaan na noong taong 2014 hanggang 2017 ay pinagbibidahan ng aktor ang sitcom kung saan katambalan niya ang aktres na si Toni Gonzaga. Papayag kaya si Loydi na bumalik sa showbiz upang muling gampanan ang karakter niya sa Home Sweetie Home?

Photo credits: www.google.com
Photo credits: www.google.com

Samantala, maging si Ted Failon ay magkakaroon na rin ng programa sa TV5. Ito naman ang morning radio program na pagsasamahan nila ni DJ Chacha. Ang morning radio show lamang ang tinanggap ni Ted Failon matapos nitong tanggihan ang alok ng evening show.




Photo credits: www.google.com

Maliban sa mga nabanggit ay marami pang programa ng ABS-CBN ang plinaplanong ilipat sa TV5. Ngunit, sa ngayon ay hindi pa pormal ang kanilang negosasyon kung kaya’t hinihintay pa ang pormal na pahayag ng TV5.