I felt like garbage”:Bea Alonzo, Nagbigay Na ng Pahayag sa Naging Hiwalayan Nila ni Gerald Anderso

Hindi naging lihim sa publiko ang relasyon noon ng aktres na si Bea Alonzo at aktor na si Gerald Anderson. Marami ang kanilang mga tagahanga, ang talaga namang sinuportahan ang relasyon na mayroon silang dalawa. Kaya naman marami rin ang nasaktan ng maibalita na hiwalay na ang dalawa.

Noong pumutok ang balitang hiwalayang Gerald at Bea, ay hindi nagbigay ng anumang pahayag ang aktres sa publiko sa kanyang totoong nararamdaman.

Ngunit ngayon, ay matapang nang ibinahagi ni Bea Alonzo, na ang naging paghihiwalay nila ni Gerald ang isa sa pinakamasakit na bagay na kanyang naranasan sa kanyang buhay.
Sa isang live Instagram na panayam sa aktres, ng isa sa mga kilalang movie at television writer na si G3, ay itinanong nito sa aktres kung ano ang pinakamasakit na heart break?

“What do you feel is the most painful kind of heart break. Breineakan ka personally, Brineakan ka through text or mail, or hindi ka nalang Brineakan at all?” ang naging katanungan nga ni G3 sa aktres.

Ang katanungang ito ay agad naman sinagot ng aktres, kung saan sa kanyang kasagutan ay ibinhagi niya kung gaano ba kasakit sa kanya ang naging hiwalayan nila ng kanyang huling naging nobyo na si Gerald Anderson.

“Siguro the last one that happened to me without any reason why. I don’t even know what I did. I felt like it was unfair because kung may mali ako, sana maitama ko. Yung parang feeling ko it’s just having no respect for the relationship, for a 3-year relationship. Siguro yun yung pinaka masakit. I think it’s not just the ghosting part that’s painful, I think it’s the chapter leading to that.” Saad nga ni Bea.

Dagdag pa ng aktres;
“Have you ever heard the term yung gas lighting in psychology? I was gas lighted. So parang I felt like garbage, I felt like I was worthless. So I guess yun yung resentment ko. More than just the ghosting part. It was making me feel na I was worthless and I believed it.”

Sa naging pahayag ng aktres, ay madarama na hanggang ngayon ay malaking katanungan pa rin sa kanya, kung ano nga ba ang naging dahilan at tila siya ay naitsapwera o nabasura ng dating nobyo?

Marami naman sa mga tagahanga ni Bea Alonzo, ang humanga sa dalaga, dahil sa kabila na pinagdaanan nitong kasawian sa pag-ibig ay patuloy itong bumabangon upang mahalin at buuin muli ang kanyang sarili, at maihanda ito para sa tamang taong magbibigay sa kanya ng pagmamahal na tulad ng pagmamahal na kanya rin niyang ibigay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *