Lyca Gairanod Naiyak ng Muling Masilayan ang Lumang Bahay Nila na Saksi sa Naging Paghihirap Nila noon

Muling binisita ni Lyca ang kanilang lumang tahanan, kung saan ay naroroon pa rin nakatira ang kanyang Lola. Hindi naman napigilan ng dating The Voice Kids champion, ang maging emosyonal ng makita itong muli.

Sa kanyang YouTube channel ay itinampok ni Lyca ang isang house tour sa kanilang lumang tahanan sa Cavite.
Matatandaan na bago manalo sa reality singing competition si Lyca Gairanod sa “The Voice Kids”, ay naninirahan ito sa isang luma ng bahay sa Tanza, Cavite. At ngayon nga ay muling binalikan ni Lyca, ang kanilang lumang bahay, upang bisitahin ito at ang kanyang lola na nakatira rito.

Sa naging pagbisita ni Lyka sa kanilang lumang bahay, ay bumalik rin sa kanya ang lahat ng mga hirap na pinagdaanan niya noon sa buhay bago pa nga niya marating ang buhay na mayroon siya ngayon.

Ayon nga kay Lyca, nakakabilib din talaga ang kanilang lumang bahay na ito, dahil sa kabila ng pagiging luma nito at malapit ito sa baybayin ng dagat, ay hindi ito natibag at nanatili pa ring matatag kahit ilang bagyo na ang dumaan.

Makikita naman sa dating bahay nina Lyca, na nagkaroon na rin ito ng pagbabago, tulad na lamang ng dating ulingan na lutuan, ngayon ay isa ng stove.
Kwento nga ni Lyca, ang bahay nilang ito ang naging saksi at kanlungan ng kanilang pamilya noong sila ay talagang nakakaranas ng paghihirap.

“Marami akong pinagdaanan dati. Alam niyo naman. Nakita niyo naman ‘yung istorya ko. Nag-MMK ako dati. Mula nung nag-The Voice ak, maraming marami akong hirap na naranasan sa buhay ko. So dito na rin talaga ako lumaki”, saad nga ni Lyca.

Ayon pa nga sa batang singer, kahit na may career na siya ngayon at umangat na ang estado ng kanilang pamumuhay ay hindi naman niya basta-basta makakalimutan ang lugar kung saan siya nagsimula at nanggaling.

Makikita rin na sa lumang bahay na iyon nanatiling nakatira ang lola ni Lyca. Kung saan ay nagbigay ito ng mensahe ng pasasalamat sa kanyang apo, na naging dahilan upang maging emosyonal ang si Lyca.

“Si Lyca noon, mahirap. Ako nagpalaki dito. Ngayon, itong apo ko ang nagpa-unlad sa amin dito. sabi ko lang sa inyo. Itong bahay na ibinigay niya sa akin, dito ako mamamatay. Dito ako. Hindi ako aalis dito, maski sino pa ang magpapaali,” ani ng lola ni Lyca.

Ipinagtatataka niyo siguro kung bakit sa kabila ng pagkakaroon na ng maayos na tahanan ni Lyca, ay bakit pumayag ito na naroroon pa rin naninirahan ang kanyang lola sa lumang tahanan nila.
Paliwanag ng lola ni Lyca, siya mismo ang may ayaw na tumira sa bagong tahanan ng kanyang apo, dahil sa may aircon ito at mas nais niya na ang natatanaw niya ay maaliwalas na tanawin at sariwang hangin sa dalampasigan.

Kwento pa nga ng lola ni Lyca, minsan ng siya ay ma-hospital ay doon siya ini-uwi ng kanyang apo sab ago nitong bahay, ngunit ayaw niya doon.
“Galing ako sa ospital, dinala nila ako doon ayaw ko”, sabi pa ng lola ni Lyca.

Sa ngayon, ay maayos na naninirahan ang pamilya ni Lyca sa kanilang bahay sa General Trias Cavite, na kung saan ang bahay na ito ay isa sa mga naging premyo niya ng siya ang maging kampeon sa unang season ng The Voice Kids sa Pilipinas na umere noong taong 2014 sa ABS-CBN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *