Heart Evangelista, Ipinasilip ang kanyang Napakagandang Outfit na Nabili niya mula sa Ukay-Ukay sa Halagang P20

Kilalang-kilala nga si Heart Evangelista ng publiko sa kanyang kahanga-hangang taste pagdating sa fashion na talaga namang bagay na bagay sa kanyang magandang mukha. Hindi lamang sa pagdadala ng magagandang kasuotan ang nakakabilib kay Heart kundi maging ang abilidad niya sa pagpili at pagbabagay ng mga damit.




Matatandaan na nagtungo si Heart sa probinsya ng Sorsogon para sa isang mission. Hanggang sa kasalukuyan nga ay enjoy na enjoy si Heart sa pananatili sa probinsya. At isa nga sa naging libangan ni Heart ay pag-uukay-ukay kung saan nakakita siya ng mga kasuotan na swak na swak sa budget ngunit napakagandang damit at napaka-classic ang dating. Pinatunayan nga ni Heart na hindi kailangang gumastos ng malaki upang makamit ang fashion at awrang inaasam.

Sa Instagram, ibinahagi ni Heart na sa halagang P270 sa ukay-ukay ay nagkaroon na siya ng napakagandang damit.

“Ukay-Ukay shopping: Sorsogon edition.  I completed this look for only P270! I vlogged about this whole experience so watch out for my Youtube upload.”


Talaga namang napakaganda ni Heart sa suot niyang damit na kung saan ay hindi aakalain na mula pala sa ukay ang naturang damit na may murang halaga.




Sa hiwalay na post naman, muling nagbahagi ng isang larawan si Heart kasama abg kanyang kaibigan kung saan makikitang nakasuot siya ng kulay pulang longsleeves at ang kasama naman niya ay kulay abong dress. At ayon kay Heart, ang mga suot nilang damit ay nabili lamang sa ukay sa halagang P20.

“Laying dress up with our ukay finds!  Guess what? My top and @khinoocenar’s dress were both 20 pesos each! #MahalKongSorsogon.”

Tunay nga na isang fashionista si Heart, dahil anuman ang suotin niya ay nangingibabaw pa rin ang kanyang kagandahan. Pinatunayan nga si Heart, na wala sa halaga ng kasuotan ang ganda ng isang damit kundi nasa tamang pagdadala at pagpapahalaga. Mamahalin man o mura ang isang kasuotan ay mahalagang dalhin ito ng may kompiyansa sa sarili upang lumutang ang natural na ganda.

Samantala, abala rin si Heart sa ilang charity works sa Sorsogon kasama ang asawa niyang si Senator Chiz Escudero. Una nang ipinamalas ni Heart ang kanyang kabutihang loob sa pag-promote ng mga produktong sariling gawa at ipinagmamalaki ng Sorsogon.