Heart Evangelista, Ibinahagi Paano Nagsimula ang Love Story Nila ng Asawang si Chiz: Relasyon Niya Kina Jericho Rosales at Daniel Matsunaga, Binalikan ng Aktres

Binalikan ng A-list star na si Heart Evangelista, kung paanong ang yumaong dating senador Miriam Defensor-Santiago, ay nagsilbing tulay sa naging love story nila ng asawa niya ngayon na si Chiz Escudero.

Nai-kwento rin ng aktres na noon ay naka-relasyon niya ang dalawa sa mga gwapong aktor ng showbiz na sina, Jericho Rosales at Daniel Matsunaga.
Kamakailan lamang ay nakapanayam ng TV at movie writer na si G3 San Diego si Heart Evangelista. Sa panayam na ito ay sinabi ni Heart na isa sa mga panahon na talagang hindi niya makakalimutan sa kanyang buhay, ay noong gawin niya ang teleseryeng “Panday” taong 2005.

Kung ating babalikan, matatandaan na sa seryeng “Panday” nagsimula ang relasyon ni Heart kay Jericho Rosales, kung saan ay umabot rin ang kanilang relasyon ng tatlong taon. Para rin kay Heart ng mga panahong iyon, ay doon niya mas nakilala ang kanyang sarili.

“I think that part of my life. Like that whole experience with me fighting for my independence and all of the rebellious acts that I did at that time one really one of the best times of my life,” ani Heart.
“That was me becoming a lady, into a woman and really discovering myself, my strengths and weakness. Although I still ended up being very weak at that time because I was just very confused because of my family”, dagdag pa niya.

Sa naging panayam rin kay Heart, ay naibahagi nito ang naging relasyon niya noon kay Daniel Matsunaga, kung saan ayon sa aktres, ang relasyon niya kay Daniel ay hindi naging stressful kumpara sa relasyon niya noon kay Jericho at sa naging relasyon nila ni Chiz Escudero, na talaga namang stressful.

“The one with Daniel, it wasn’t stressful. I felt bad for him because I really really scared him. But it wasn’t the others like in the past and present. ‘Yung Panday days and then ‘yung Chiz Escudero days, super stressful – the stuff that went on behind all the interviews, it’s crazy”, kwento pa ni Heart.

Samantala, ikinuwento rin ni Heart na ang namayapang si Senador Miriam Defensor Santiago, ay isa sa mga naging tulay ng relasyon nila ni Chiz Escudero.
Ayon kay Heart, noong panahon ng kanyang heart breaks ay pinayuhan siya ng namayapang senador, na subukan niyang makipag-date sa mga taong out of showbiz. At dahil malapit siya sa senador, ay hindi niya rin pinalamapas na aminin rito, na siya ay may lihim na pagtingin kay Chiz Escudero.

“Sabi niya, ‘Oh Chiz. Let me check if he’s annulled. She made a call, contact Chiz and at the beginning he thought na meron siyang nasabing masama tungkol kay Tita Miriam na aawayin siya or something. And then ‘yun, she set us up together’, kwento ni Heart.

Kwento pa ni Heart, noong una akala niya ay kaibigan lamang ang tingin sa kanya ni Chiz, ngunit ng lumaon ay na-realize niya na gusto rin pala siya nito.
Para rin sa aktres, sa mga panahon na nakakasama niya si Chiz ay naramdaman niya agad na “He is the One”, ang lalaking kanyang pakakasalan dahil sa tuwing kasama niya ito hindi niya kailangan magpanggap, natural lang, kung ano siya.

At masasabi nga natin, sa buhay ngayon ni Heart kasama ang asawa niya na si Chiz Escudero, ay hindi nagkamali ang a-list star sa lalaking kanyang minahal at pinakasalan.
Ngayon ay limang taon ng mag-asawa sina Heart Evangelista at Chiz Escudero, at masaya silang namumuhay sa probinsiya ng Sorsogon kung saan ay tunatayong Gobernador ng probinsiya si Chiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *