Gwen Zamora at David Samerad Matiyaga na Ni-renovate ang Kanilang Bahay

Ipinasilip ng magkasintahang Gwen Zamora at David Samerad ang kanilang bagong bagong renovated na bahay sa kanilang mga followers.

Sa kanila ngang Instagram account ay ipinakitang magkasintahan sa kanilang mga Instgaram followers ang kanilang simpleng tahanan, na kung saan ay sila lang mismong dalawa ang nag-ayos ng ilang mga kagamitan.

Ang tahanan na ito nina Gwen at David ay ang dating bachelorette pad ni Gwen, kung saan ay ni-renovate ng dalawa upang magmistulang family home.


Ang magkasintahan nga lamang ang gumawa ng renovation, kung saan ay talaga naamang ine-enjoy nila pareho ang pagpapaganda sa proyektong ito sa kanilang tahanan.

Dahil sa nalalapit na ngang maging magulang ang magkasintahan, ay agad ngang ni-renovate ng soon-to-be-parents ang magiging tahanan nila, kung saan ay sila nga mismo ang gumawa at nag-ayos nito.

Narito nga ang ilan sa kanilang ginawang pagbabago sa dating bachelorette pad, upang magmistula itong tahanan na pangpamilya.
Mula sa pagiging plain nito noon, ay nilagyan ito ng kaunting buhay ng magkasintahan. Nilagyan nila ito ng ilang mga berdeng halaman.

Si David naman ang nagpinta ng kulay deep blue sa mga dingding ng silid, samantalang si Gwen naman ang nagdisenyo ng pintuan at kanilang dresser. Ayon pa kay Gwen ang silid na ito ay ang “where the majic happens.”

Makikita naman sa buong kabahayan, na ang naging tema ng kulay nila ay deep blue.


Isang rattan carpet naman ang inilatag ng magkasintahan sa kanilang living room, kung saan sa gitna nito ay makikita ang center table na tila gawa sa kahoy. Isang maginhawang pakiramdam naman ang mararamdaman sa bahaging ito ng tahanan nina Gwen at David, dahil sa napaka-cozy ng pagkaka-ayos dito.

Ilan nga sa mga kagamitan ng mag-asawa sa kanilang bagong renovate na tahanan ay mga DIY, kung saan ay lumbas ang nagking galing ni Gwen dito.

Tulad nga ng ginawa na pagpapaganda ni Gwen sa kanilang mga upuan, na ngayon ay hindi masasabi na ang mga ito ay nabili lamang sa Divisoria.

Ipinasilip rin ng magkasintahan kung ano ang hitsura ng kanilang tahanan sa umaga, kung saan ay makikita na maaliwalas ito. Makikita pa nga si David na nakatayo sa larawan na tila ‘the hottest handy man’.

Ano ang masasabi niyo sa tahanan na ito ng magkasintahang David at Gwen?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *