Euphoria-Themed ang Photo Shoot ng Anak ni Sunshine Cruz Para sa Nalalapit na Ika-16 na Kaarawan nito

Si Samantha Cruz, ay isa sa mga anak na babae ni Sunshine Cruz sa dati nitong asawa na si Caesar Montano.
Matatandaan na ang dating mag-asawang Sunshine Cruz at Caesar Montano, ay nagkaroon ng tatlong mga anak na puro mga babae. Kasabay ng naging annulment ng kasal ng dating mag-asawa, ay napunta naman ang kustodiya ng tatlo nilang anak na babae sa ina ng mga ito na si Sunshine.

Napakabilis nga naman lumipas ng panahon, dahil parang kailan lamang ay mga bata ang mga anak ng dating mag-asawa, at ngayon nga ay mga dalaga na ito. Isa nga sa mga ito si Samantha Cruz, na ngayon ay nalalapit na maging isang ganap na dalaga, dahil sa nalalapit nitong pagdiriwang ng kanyang ika-16 na kaarawan.Sa kanyang Instagram account, ay nagbahagi ng isang teaser video si Samantha, para sa mga magiging kaganapan sa nalalapit niyang ika-16 na kaarawan, kung saan ay nilakipan niya ng caption ang video na ito ng “1 week”.

Samantala, sa kanyang Instagram account ay makikita rin na nagbahagi ng mensahe si Sunshine Cruz, sa kanyang anak na si Samantha, ito ay para sa nalalapit nitong kaarawan. Kalakip ng mensahe ni Sunshine sa anak, ay ilang mga larawan ni Samantha na kuha sa naging photoshoot nito

“Happy 16th birthday Sam! [heart emoji]“Time flies! Know that I am always here for you and I am very proud of you. I love you so much anak!” #SamAt16
Ito nga ang naging mensahe ni Sunshine para sa anak.

Bago ng ang nalalapit na kaarawan ng modelo at recording artist na anak ni Sunshine na si Sam, ay nagkaroon muna ng photo shoot ang dalaga, kung saan ito ay isang Euphoria-themed birthday shoot.

Samantala, ang naging photo shoot ng dalaga ay inayos at ginanap lamang sa loob ng kanilang tahanan, ito ay dahil sa pagkakaroon ng quarantine at pagsunod na rin sa protocol ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.

Ayon naman kay Sunshine, ay isang intimate Euphoria-themed dinner party, ang magiging kaganapan sa selebrasyon ng ika-16 na kaarawan ni Samantha, dahil ito ang nais ng dalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *