Kahit mayroon modified enhanced community quarantine, ay masayang nakapagdiwang ng kanyang kaarawan ang actress-host na si Carmina Villaruel, dahil kasama niya ang kanyang buong pamilya.
Nito lamang ika-17 ng Agosto, ay kaarawan ng actress-host na si Carmina Villaruel, at dahil sa mayroong panukala ngayon na MECQ sa kanilang lugar sa loob lamang ng kanilang tahanan nagdiwang ang aktres ng isang simple at masayang selebrasyon ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang buong pamilya.
Sa Instagram ng actress-host, ay makikita na ibinahagi nito ang mga larawan na kuha sa naging selebrasyon ng kanyang kaarawan.
Ayon pa kay Carmina, isa itong birthday surprise, na inihanda para sa kanya ng kanyang asawang si Zoren Legaspi at katulong nito ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy. Para rin sa aktres, kahit pa naka-quarantine sila, sa mismong araw ng kanyang kaarawan, ay napakasaya naman niya sa simpleng selebrasyon na naganap sa kanilang tahanan.
“Despite the quarantine, I had the best birthday celebration ever”, saad ni Carmina.
“I love you, my family”, dagdag pa ng actress-host.
Nagpasalamat rin si Carmina, sa lahat ng mga bumati sa kanya, mga kaibigan, kapamilya at maging sa kanyang mga tagahanga na hindi nakalimutan ang kanyang kaarawan.
Ilan sa mga kabibigan ni Carmina sa showbiz na nagpa-abot ng pagbati sa kanyang kaarawan , ay sina Judy Ann Santos – Agoncillo, Sylvia Sanchez, at Pops Fernandez.
“Thank you so much for all those who took the time to greet me on my birthday. I feel so loved.” Ang mensahe ng pasasalamat ni Carmina.
Samantala, sa Instagram account naman ng asawa ni Carmina na si Zoren Legaspi, ay makikita ang napaka-sweet na mensahe nito para sa asawa sa kaarawan nito.
“Saeng-il chugha (Happy Birthday) @mina_villarroel. In the midst of this pandemic, we all deserve to smile, especially you on your birthday,” ang naging mensahe ni Zoren.“HAPPY BIRTHDAY. WE LOVE YOU”, dagdag pa nito.
Maging ang anak ni Carmina na si Cassy ay nagbahagi rin ng birthday greetings para sa kanya.
“The way to mama’s heart is simple: cake, good food, ice cream, balloons, and family.”
“I hope you enjoyed all our surprise today, I’m sorry for keeping you locked in your room til lunch time. We had to make it the perfect surprise quarantine party!”
“We love you so much! God truly blessed me with the perfect mother. Happy birthday, Ate Mommy.” Ang naging mensahe ni Cassy para sa inang si Carmina.
Kahit pa nga ba quarantine, ay hindi naging balakid ito sa asawa at dalawang anak ni Carmina, na siya’y surpresahin sa kanyang kaarawan, at maging masaya sila sa pagdiriwang nito.