Batikang Aktor na si Gardo Versoza, Bidang-bida ang Galing sa Paghahatid ng Aliw at Kaligayahan sa Tiktok

Kapag maririnig nga ang mga trending music sa Tiktok, tiyak na mapapasayaw ka rin sa saliw ng musika. Patok na patok nga sa mga kabataan, sa mga tita at tito at maging kina lolo at lola ang video sharing app na Tiktok. Talaga namang walang pinipiling edad ang nais bigyang kaligayahan ng app na ito.



Maging ang mga sikat na celebrities ay kinahiligan na rin at ipinamalas ang kanilang dance moves sa Tiktok. Talaga namang maaaliw at malilibang ka sa panonood ng mga Tiktok videos ng ating mga iniidolong artista sa showbiz.

Photo credits: Gardo Versoza | Instagram 

At isa nga sa hindi na maawat-awat ang pagbibigay saya sa Tiktok sa kanyang mga nakakatuwang videos ay ang aktor na si Gardo Versoza. Marahil, marami ang nag-iisip na palaging seryoso sa buhay ang aktor dahil na rin sa mga ginagampanan niyang role sa pelikula at telebisyon. Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami ay masayahing tao at hilig rin pala nito ang pagtiTiktok.

Nang makapanayam ang aktor sa Unang Hirit noong Mayo, ibinahagi nito na ang kanyang asawang si Ivy Vicencio ang unang nakadiskubre ng nakakaaliw na app na Tiktok. Bigla na lang umano siyang hinatak nito, dahil may gagawin daw sila. At ito nga ang trending app na Tiktok. At ngayon nga, ay ang aktor na ang hindi maawat sa pagti-Tiktok.



“Actually ako ‘yung nahatak, wala akong kamalay-malay. Nananahimik ako, naglilinis ako ng bahay, nagluluto, bigla akong hinatak, may gagawin daw kami. Akala ko naman kung ano, akala ko magpa-practice ng kung ano lang or greeting or something. Biglang sinabi meron daw ibi-video. Tapos nagulat na lang ako ‘yun pala ‘yung trend ngayon dahil dun sa sitwasyon natin, ‘yung TikTok. And then na-enjoy niya, so ako na ‘yung palagi niyang hinahatak ngayon. Ako ‘yung biktima dito,”

natatawa pang kuwento ng aktor.

#materialgirl   #bodydancer   #ricomambo  #tiktokcouple

Naging usap-usapan nga ng mga netizens ang mga nakakaaliw na Tiktok videos ni Gardo na talaga naman kitang-kita ang husay sa pag-indak. Isa na nga rito ang Tiktok video kung saan sumayaw ang aktor ng “Despacito” habang nakasuot ng mataas na heels. Kahit mataas ang suot na heels ay hindi alintana ng aktor ang hirap, bagkus ay todo kembot pa rin ito sa saliw ng musika.

morning exercise cupcakes  ??❤️??

Sumunod namang nagtrending ang Tiktok video ni Gardo noong Hunyo. Sa pagkakataong ito naman, ay iba ang naging pakulo ng aktor. Makikita nga na todo indak sa iba’t ibang saliw ng musika ang aktor habang nakasuot naman ng leopard brief, kung saan nakasama naman niya rito ang kanyang dance partner at asawang si Ivy.

Nakakatuwa naman talaga mag-Tiktok lalo na kung nakakapaghatid ng saya sa mga manonood. Tulad nga ng aktor, na hindi nagsasawa sa pagbibigay kaligayahan sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang mga nakakaaliw na Tiktok videos.