Andi Eigenmann, Panatag na May ‘Future’ siya kay Philmar Alipayo Dahil sa Magandang Relasyon nito sa Anak niyang si Ellie

Marami nga ang nagtatanong kung paanong ang isang aktres na gaya ni Andi Eigenmann ay nahulog sa isang surfer na si Philmar Alipayo. Dahil nga sa talagang kahanga-hanga ang pag-iibigan nina Andi at Philmar, marami rin ang nagnanais na malaman ang kwento sa likod ng kanilang masayang pagsasama. Ang kwento kung paano silang nagkakilala at kung pano nahulog sa isa’t isa.


Sa latest vlog nga ni Andi, ay binuksan niya sa publiko na pag-usapan ang love story nila ng kanyang partner na si Philmar na matagal ng hinihiling ng kanyang mga tagahanga. Kaya naman, sa unang pagkakataon ay napagpasyahan ng dalawa na ilahad na nga ang kanilang kwento.

Ayon nga kay Andi, ay nagkakilala sila ni Philmar matapos niyang dumalo sa awarding ng kompetisyon na sinalihan nito habang siya ay nagbabakasyon sa Siargao. Dahil nga, sikat at kilalang surfer sa Siargao si Philmar, naging tagahanga umano siya nito. Kaya naman, nang pumunta siya sa naturang event kasama ang kanyang kaibigan ay hindi niya pinalampas ang pagkakataon na malapitan at makapagpa-picture rito. Nataon naman na noong nilapitan niya ito ay umiinom ito, at binigyan pa nga raw siya nito ng isang shot ng Tequila.

Samantala, walang kamalay-malay si Philmar kung sino ang kausap at kaharap niya ng mga sandaling iyon. Dahil nga, abala sa mga trainings sa surfing, wala ng panahon pang manood pa ito ng telebisyon. Maliban nga sa kilala lang ni Philmar si Andi sa kanyang pangalan at sa dami ng followers sa Instagram, ay wala na itong ideya kung ano ang pinagkakaabalahan nito. Ngunit, sa kabila nito ay madalas na nga silang magkausap sa Instagram at naging magkaibigan.


Hindi nga nagtagal ay nahulog na nga sila sa isa’t isa. At sa pagsasalaysay ni Andi, nagsimula nga ang lahat noong lumipad siyang mag-isa patungo sa Siargao upang magbakasyon. At ang kwento kung paano nahulog ang puso nila sa isa’t isa, ay matapos siyang dalhin ng kanyang kaibigan sa isang tulay kung saan sila nagkitang muli ni Philmar.


Isang dapithapon nga sa isang tulay sila pinagtagpo ng kaibigan nilang si Ate Hariette. Ayon naman kay Philmar, nang umuwi siya sa kanilang tahanan mula sa pangingisda ay may naghahanap raw sa kanya. Hindi naman nag-atubiling sumunod ni Philmar, at nang makarating na nga sa tulay ay si Andi ang kanyang nadatnan. Dito na nga nagsimula ang kanilang matatag na relasyon kung saan ay palagi na silang magkasama. Napagtanto na nga nila pareho na mahal nila ang isa’t isa at hindi na maaaring maghiwalay pa.

Ngunit, paano nga ba natiyak ni Andi na si Philmar na ang taong itinadhana sa kanya?

Ayon nga kay Andi, ay mas lalo niyang napatunayan ang pagmamahal sa kanya ni Philmar matapos niyang makita kung paano nitong natanggap ang nakaraan niya, ang pagiging single mom at may isang anak. Mas nakilala nga ni Andi ang katauhan ni Philmar na talaga namang napakabuti.

“I think that’s what made me more comfortable with Philmar is that me getting to know him, it’s the same for him because he didn’t know anything about me. I had to share everything. So that was really nice and refreshing. And we’ve gotten really close and we got along so well.”

Mas lalo pa nga raw minahal ni Andi si Philmar dahil sa magandang pakikitungo nito sa kanyang anak na si Ellie.

“And for me, I really knew that there’s a future because of his relationship with Ellie.”


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *