Anak ni Ina Raymundo na si Erika Mae Poturnak, Pinahanga ang Netizens sa kanyang Makalaglag Pangang Seksi Bikini Photos

Ang panganay na anak ni Ina Raymundo na si Erika Mae Poturnak ay talaga namang kahanga-hanga ang kaseksihan sa mga larawang ibinahagi nito sa Instagram.

Matatandaan na unang nasilayan ang kaseksihan ni Erika noong magbahagi siya ng larawan na kuha sa kanyang 18th birthday photoshoot noong October 19 kung saan nakasuot siya ng bikini. Marami nga ang mga matang humanga sa taglay na kagandahan at kaseksihan ng anak na ito ni Ina.




At kamakailan nga, ay muli na namang nagpasiklab ng kanyang kaseksihan ang 18 taong gulang na si Erika, matapos magpost ng larawan habang nakasuot ng sexy bikini. Makikita nga, na talagang makalaglag-panga ang kaseksihan nito na kung saan ay bumagay sa maganda niyang mukha.

Tila naman namana ni Erika ang taglay na kaseksihan ng kanyang inang si Ina, dahil noong kapanahunan rin ni Ina ay makikita na napakaseksi rin ng aktres at hanggang ngayon nga ay nananatili pa ring napakaseksi ni Ina. At ang ginagawang pagpapaseksi ngang ito ni Erika ay suportado at aprubado ng kanyang ina. At ayon nga kay Ina, ay wala siyang nakikitang masama sa ginagawa ng anak. Sa katunayan nga nito, ay proud na proud si Ina sa kagandahan at kaseksihan ng kanyang anak na si Erika. Inihalintulad pa nga nito ang anak kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

“Ahhh… my first born Erika Rae is so pretty. Especially without make-up. Doesn’t she look like Pia Wurtzbach?”

caption ng aktres sa close-up photo ng anak.

Samantala, maraming netizens naman ang humanga kay Erika at nagbigay ng positibong komento sa larawan nito.




“The first time I saw Erika back from 2019 I fell in love right away,”

komento naman ni Tatin Sanity.

“Sana ALL,”

saad naman ni Ailen Garcia.

“Ivana Alawi at lahat ng flat chested left the group,”

biro ni Jerica Perucho.

May netizen naman na ikinumpara si Erika sa anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice.

“They’re beautiful but please stop sxualizing Venice and Erika. I am talking to all trashy people who has intensions of doing that,”

reaksyon ni Rue Santiago.

Kung may mga natuwa at humanga sa kaseksihan ni Erika ay mayroon din namang hindi sang-ayon sa pagpapakita ng dalaga ng seksi photos. Hindi nga nakapagpigil ang netizen na ito na magbigay ng kanyang komento at sinabi:

“If I were Ina Raymundo I will not or never allow my daughter to show her topless body in public,”

komento ni Khemzanoy Bombio Ulan sa Facebook.

Samantala, ibinahagi naman ng ina ni Erika na si Ina, na balak ring pasokin ng kanyang anak ang showbiz. Bukod nga, sa angking kagandahan at kaseksihan ni Erika ay may natatago rin itong talento sa pag-awit.




Kaya naman, hindi nakapagtataka kung balang-araw nga ay pasokin na rin ni Erika ang showbiz gaya ng kanyang ina. Si Erika na ba ang susunod na Ina Raymundo sa showbiz?