Isa ang 31 anyos na celebrity mom na si Ara Ara Cristine Pascual Klenk o mas kilala sa kanyang stage name bilang Cristine Reyes sa mga nagtataglay ng natural na magandang mukha sa industriya ng showbiz.
Nagsimula ng karera niya noong sumali siya sa bilang isa sa mga contestants ng GMA 7 reality show na StarStruck Season 1 noong 2003. Napabilang siya sa Final 14 ngunit hindi naman pinalad na mapili bilang Ultimate Female Survivor.
Sa kabila nito ay nabigyan pa rin si Cristine ng break sa showbiz ng magsimula silang bilang Kapuso artist. Noong 2008 ay nagpasya siya na lumipat sa ABS-CBN at kasalukuyang nasa management ng Viva Artists Agency.
Noong Perbrero 2015 ay isinilang niya ang kanyang unang anak sa dating asawa na si Ali Khatibi, isang professional mixed martial artist. Pinangalanan nila ang kanilang anak na babae bilang Amarah. Sa kasamaang palad, ilang taon matapos ang kanilang pagsasama ay naghiwalay din si Cristine at Ali sa hindi na inilahad na kadahilanan.
Sa ngayon ay masaya ang Kapamilya actress sa pagganap ng kanyang role bilang ina sa kanyang 5 taong gulang na anak na si Amarah Khatibi.
Maliban sa ipinatayong bahay ng dating mag asawa ay nakapagpundar na rin ang aktres ng sarili niyang property bago pa man siya ikinasal noon. Matatagpuan ito sa isang sub-urban area sa South ng Metro Manila at sa isang pambihirang pagkakataon nga ay ipinasilip niya na ito sa kanyang mga taga hanga.
Ayon pa sa ulat ay siya mismo ang personal na pumili ng mga kagamitan dito maging ang mga kulay ng pintura na ginamit sa bawat silid ng kanyang bahay. Inabot naman ng tatlong buwan ang renovation ng kanyang biniling bahay dahil katulong niya sa pag-aayos nito ay ang kanyang mga interior designer na kaibigan.
Living Room
Maaliwalas ang living area ng aktres dahil na rin sa natural na liwanag na pumapasok dito mula glass door. Light colors din ang ginamit sa interiors nito maging ang kagamitan andito gaya nalang ng oversized na puting sectional sofa. Para naman makatipid sa espasyo, ngpagawa ang aktres ng built in shelves kung saan nakalagay ang ilan pang mga dsiplays.
Dining Area
Sa dining area naman ay puti pa ring ang kulay na nangingibabaw mula sa ceiling, flooring at mga kagamitan gaya nalang ng round dining table at mga upholstered chairs. Para naman madagdagan ng buhay ang naturang space ay minabuti niya na gumamit ng kulay lime green na wallpaper.
Kitchen Area
Sa kusina naman ng aktres ay pinili niya ang simple ngunit eleganteng design, mayroong itong mga built-in wooden cabinets at napaka maaliwalas din tignan.
Entertainment Room
Marami din ang napa-wow na makita ang entertainment room sa loob ng bahay ni Cristine. Sinigurado kasi ng aktres na maeenjoy ng kanyang buong pamilya at mga bisita ang full visual at auditory experience nila habang nanood ng mga palabas at programa dito.
Bedroom
Sa personal space ng celebrity mom ay may isang kulay beige na upholstered bed at mayroon itong cream-colored headboard na yari sa leather. Nagcocompliment naman ang kanyang comfy bed sa napili niyang patterned gray, lavender at cream wallpaper.
Isa pa sa sobrang naenjoy ng aktres ay ang balcony na accesible sa kanyang bedroom, naglagay siya dito ng maliit na lamesa at dalawang upuan na perfect spot sa pagtanaw sa kanyang mgandang hardin at mga katabing bahay pagka gising niya sa umaga.
Bathroom
Pagpasok naman sa loob ng bathroom ni Cristine ay mapapansin ang matingkad na kulay pulang motif nito, ang mga dingding at mosaic tiles na ginamit malapit sa kanyang shower area. Napapaligiran din ito ng mga salamin na nagbibigay ilusyon ng malawak na space.
Walk-in Closet
Ang kanya namang walk-in closet ay maihahalintulad sa mga high-end botique sa ibang bansa. Maayos ang pagkakalagay ng bawat gamit at dami at sobrang maaliwalas nito, isama mo pa ang crystal chandelier na nakadagdag pa lalo ng classy look sa nasabing area.