Connect with us

Entertainment

Sulyapan ang Masayang Pagdiriwang ng ika-2nd Birthday ng Anak nina James Yap at Michela Cazzola

Published

on

Tunay nga na ang pagdiriwang ng kaarawan ay napakaespesyal sa ating buhay. Dahil ito’y maituturing na isang biyaya sa panibagong buhay na ipinagkaloob sa atin. Minsan lamang sa isang taon kung mangyari sa ating buhay kung kaya’t talagang ito’y ating pinaghahandaan.


Ang pagdiriwang nga ng kaarawan ng anak ni James Yap na si Francesca ay talagang pinaghandaan nila ng partner na si Michela Cazzola. Ipinanganak si Francesca noong June 27, 2018 at ngayon nga ay masaya niyang ipinagdiriwang ang kanyang ika-2nd Birthday.

Makikita nga sa mga larawan na ibinahagi ni James sa Instagram ang masayang selebrasyon ng kaarawan ng anak. Ginawa ang pagdiriwang sa loob ng kanilang tahanan kung saan makikita ang napakagandang dekorasyon na may mermaid theme.

Ang nasabing post ni James ay nilakipan naman niya ng masayang pagbati sa anak.

“Happy 2nd birthday my love, Francesca. Papa loves you so much my Love.”

Samantala, ang mga malalapit naman nilang kaibigan sa showbiz ay nagpaabot rin ng pagbati sa kaarawan ni Francesca.

“She is so beautiful. Happy birthday Francesca!,” pagbati mula kay Bianca Gonzalez.

“2 na si Frenchy. Happy bday sa imong ka guapa na princess (Happy bday sa imong napakaganda na princess),” saad naman ni Dolly Carjaval.



Mahigit anim na taon nang nagsasama sina James at Michela at ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan na ng dalawang anak. Maliban nga kay Francesca ay may isa pa silang anak, si Michael James na ipinanganak noong August 2016, ang kanilang panganay na anak. Samantalang si Francesca naman ang kanilang bunso.

Si James Yap ay isang kilalang mahusay na manlalaro sa pagbasketball at kabilang sa Philippine Basketball Association. Matatandaan naman na nagkaroon siya ng anak sa aktres at TV host na si Kris Aquino, ito nga si Bimby. Ngunit, nagkahiwalay naman ang dalawa noong 2010 dahil sa ilang personal na dahilan.

Sa paghihiwalay nilang ito, nagkaroon ng iba’t ibang karelasyon ni James at isa nga sa kanyang mga naging girlfriend ay nagkaanak siya.

At ngayon nga, ay masaya na ang buhay ni James sa piling ng partner na si Michela at dalawa niyang anak na sina Michael James at Francesca.

error: Content is protected !!