Singer-Comedian na si K Brosas, Naging Emosyunal Nang Isiwalat niya ang Pagiging Lesbian ng Nag-iisa niyang Anak

Ang pagmamahal nga ng isang magulang ay walang katulad dahil kahit anumang pagkakamali ng anak, tanging ang magulang ang unang sasalo at magiging sandalan ng anak sa anumang problema. Hindi rin magsasawang sumuporta ang isang magulang sa nais tahaking landas ng anak.



Ang singer-comedian nga na si K Brosas ay pinatunayan ang pagiging isang mabuting ina at mapagmahal na magulang sa kanyang nag-iisang anak. At sa mismong araw ng kaarawan nga ni K ay proud niyang ibinunyag sa publiko ang totoong katauhan ng kanyang anak na si Crystal.

Sa kanyang bagong Vlog na pinamagatang “Birthday ko, may revelation kami ng anak ko”, ay naging emosyunal ang “Tawag ng Tanghalan Hurado”, sa kanyang mga naging pahayag na naglalaman ng rebelasyon kaugnay nga sa totoong katauhan ng kanyang anak, ang pagiging lesbian nito.

Sa video na naglalaman ng 10 minuto at 13 segundo, malinaw na mababakas sa bawat mensahe ni K ang pagmamahal sa anak anuman ang katauhan nito. Matagal na umanong alam ni K ang pagiging lesbian ng kanyang anak na si Crystal, at highschool pa lamang si Crystal nang malaman niya ang katauhan nito. Kalmado ngang tinanggap ni K ang rebelasyon ng anak sa tunay nitong katauhan. Kasabay rin nito ay hindi nagdalawang isip si K na tanggapin ang tunay na katauhan ng anak dahil ito nga ang nag-iisa niyang anak na mahal na mahal niya. Dahil anuman ang naisin ng kanyang anak ay masaya siyang suportahan ito sa anumang bagay na makapagpapasaya sa anak, bilang isang ina ay magiging masaya na rin siya para dito. Ito nga ang walang katumbas na pagmamahal ng isang magulang sa anak. At para kay K, hindi basehan at walang kinalaman ang s*xual preference ng kanyang anak sa pagmamahal na ibibigay niya rito.

At ngayon nga, sa pagsapit ng ika-44 Birthday ng singer-comedian, ang rebelasyon ng anak sa tunay nitong katauhan ang pinakaregalo niya sa kanyang kaarawan upang ipakita ang pagtanggap niya sa tunay nitong katauhan.



“I am proud of my daughter. I don’t care kung anong s*xual preference niya etc. FYI, matagal ko nang alam at matagal na niyang gustong sabihin sa lahat. Sabi ko sure ka ba now? Dedma ako sa sasabihin ng iba. Kaya ito na ‘yon. I love you anak. This is my gift kahit ako may bday.”

Sa kabila naman ng maraming taong nanghuhusga at nambabatikos sa kanya at sa kanyang anak, nananatiling matatag ang mag-ina sa pagharap sa pagsubok. Hindi nga sila nagpatinag sa mga negatibong komentong ibinabato sa kanila, dahil higit namang mas marami ang taong nagpapakita at nagbibigay ng suporta sa kanila.

Sa huling bahagi naman ng video, ay hinikayat ni K ang mga magulang na gaya niyang may anak na may problema sa s*xual preference, na tanggapin ng bukal sa kalooban ang tunay na katauhan ng mga ito, dahil kahit baligtarin man ang mundo ay hindi maikakaila na nagmula ito sa kanilang sariling laman at dugo.

Proud na proud nga si K sa anak niyang si Crsytal dahil ang pagiging lesbian nito ay hindi naging hadlang sa talentong mayroon ang anak niya na talaga namang ipinapamalas ang talento pagdating sa musika. Kahanga-hanga ang pagmamahal ni K sa anak niya, dahil sa kabila ng tunay na katauhan nito ay hindi nagbago ang pagmamahal na ibinibigay niya sa nag-iisa niyang anak na ito.



Tingnan dito :

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *