Nakakabilib na ang ilan sa ating mga hinahangaang artista ay talagang nangarap na makapagpundar ng mga matatawag na sarili nilang pagmamay-ari at pundar. At bukod pa sa tagumpay sa harapan ng kamera naging matagumpay na rin sa likod nito sa pag-abot sa mga matagal ng adhikain.
At para sa Kapamilya aktor star na si Coco Martin sa lahat ng tagumpay niya sa karera bilang artista ay nagawa na rin niyang maabot ang matagal ng pangarap na tahanan para sa sarili at pamilya. Masasabing talagang pinag-isipan at pinaghandaan ng aktor ang pagpapatayo sa sariling tahanan at ito ay ating makikita sa kabuuan ng kanyang pangarap na tahanan
Ating silipin ang mga bawat bahagi ng maganda at magarbong tahanan ng iniidolo nating Kapamilya star.
Facade

Sa harapan pa lang ng tahanan ay magkakaroon ka na ng ideya kung ano ang maaring makita mo pa sa loob. Bubungad ang mga kulay berdeng puno at halaman na bagay bagay sa tropikal nating klima.
Main Door
Labis ka naman mamangha sa pasukan ng magandang tahanan ng aktor dahil ang pintuan ay gawa ng kilalang National Artist For Visual Arts na si Abdulmari Asia Imao. Ang higit na nagpaganda sa pintuan ay ang disenyo nitong isda na personal na kahilingan ni Coco na base sa Pisces Zodiac sign ng kanyang Lola. Ayon sa aktor ito ang kauna-unahang pinto na ginawa ni Abdulmari Asia Imao,

“Sinabi ko ngang gusto kong magpagawa ng art piece sa kanya(Abdulmari Asia Imao). Kung pupuwede, siya ang gumawa ng pinaka-center-point ng main door ko”, pahayag pa nito.
Sa kabilang banda, nakadagdag pa sa ganda ng pasukan ay ang metal artwork reminiscent of trees na gawa ng designer na si Miguel Aguas. Para sa aktor pinili niya ang nasabing artwork para umangat ang dalawang haligi na malapit sa pasukan.
Living Area
Mapapabilib ka naman sa living arae na nag-iiwan ng pakiramdam na tila ba nasa isa kang resort”Bahay siya, pero ‘yong ambiance niya, nakaka-relax po, gano’n. Kaysa mag-hotel ka, di ba po?”, sabi pa ng Kapamilya aktor.

Isang nakakabilib na horizontal amber sculpture na gawang artwork ng artist na si Trek Valdizino ang pinaka-sentro ng living area na ayon kay Coco ay kinakailangang palaging iayos sa tuwing tag-init dahil madali itong mawala sa porma dahil sa init
Pinuno din ng aktor ang nasabing lugar ng mga nababagay na kagamitan tulad ng dalawang Paisley na upuan na mula Vito Selma na katabi ng sopa. Naglagay din ang aktor ng isang center table na may nakalagay sa paligid ng malapad na rug sa lapag.
Sa kabilang bahagi naman ng living area ay makikita ang glass na pintuan at bintana kung saan madaling makapasok ang liwanag maging ang sariwang hangin mula sa labas. Sa likod na bahagi ng sopa ay nakalagay ilang artwork katulad ng gawa ng iskultor na si Ronald Castrillo na may bansag na “Balloons in life series.
Matatagpuan din dito ang hagdanan sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang home theater, bar at tulugan ni Coco.
Dining Area

Samantala, talagang gaganahan kang kumain sa dining area kung saan meron ditong 12 seater na wave dining table na mula sa Kenneth Cobonpue gayundin ang mga dining chair na galing sa Selma Arata at ang salamin na buhat sa Bos. Nakaka-engganyo naman sa paningin ang Litten hanging lights galing sa Triboa Bay Living na personal na isinabit ng aktor sa ibat-ibang taas. Sa pagkakaayos ay magbibigay ito ng tila mala-alon na view.
Bar Area

Matatagpuan malapit sa pool area at talagang mapapabilib ka sa open kitchen nitong itsura na bagay sa mahilig sa Al Fresco Dining. Pinuno naman ang bahaging ito ng bahay ng cabinet, oven at iba-ibang kagamitan. Ang mga kagamitan na nakalagay sa built-in na niche at ang storage unit ay maihahalintulad sa natural na kahoy.

Sa pagbisita mo dito panigurong hindi mo na kinakailangan pang lumabas sa dingding ay makikita ang tila ba gallery kung saan makikita ang ibat-ibang uri ng mga bote na nagpadagdag sa detalye dito. Isang artwork ni Vito Selma tulad na lamang ng disenyo ng kisame at maging ang customized na lamesa.
Home Theatre
Sa kabilang banda, masasabing mawiwili ka naman sa lugar nito dahil sa mga piling bagay gayundin ang ilaw na inilagay dito. At maging ang salamin ay tumerno sa kulay ng paligid nito.


Sa pagpasok sa pinto ng home theatre na kasya ang walong tao ay malayang makapagrelax sa mga reclining na upuan habang nanunuod ng palabas. Sa loob ay mayroon sapat na sound system isang mamahalin na projector gayundin ang katerno nitong mechanical na screen na maaring itiklop sa tuwing walang paggagamitan. Dito rin matatagpuan ang mga napanalunang award ng “Ang Probinsyano” aktor.
Coco Martin’s Bedroom
Kawiwilihan mo naman ang nakakabilib na striking slab of Onyx na nasa likod lamang ng malaking itim na kama na talagang bumagay sa mga makabagong kagamitan sa loob ng kwarto. Nakalagay naman sa dingding ang mamahaling gawang abstract painting ng kilalang National Artist na si Arturo Luz at makikitang bagay na bagay ito sa magkaparehong side table mula sa Kenneth Cobonpue at isang gray na silya.


Samantala, ang isang bahagi ng bedroom ay nagsilbing working place ng aktor kung saan siya pwedeng magbasa at magmemorize ng mga script. Para naman maiba ang bahaging ito ay naglagay si Coco ng hiwalay na abstract painting sa dingding malapit dito.
Veranda

Hindi mo naman mamalayan ang oras sa pamamalagi dito at talagang sakto para sa mga bonding moment tulad ng kamustahan at kwentuhan. Mula sa Link Collection ng kilalang Kenneth Cobonpue ang pares ng loveseat at dalawang silya na nagbibigay ng maaliwalas at simpleng disenyo.

Sa mataas nitong kisame, at piling kagamitan na nag-iiwan ng mala-tropikal na itsura masasabing kahit saang sulok ay pwede kang maupo gayundin sa hatid nitong maaliwalas na pakiramdam na tila ba nasa isang beach ka lang. Abot-tanaw din ang backyard sa na talagang bagay na bagay para sa veranda at sa malapad nitong hapag-kainan ay pwedeng pwede na pagdausan ng pagtitipon.
Gazebo


Matatagpuan sa halos bandang dulo ng pagmamay-aring establisiyemento ng aktor ito ay itinayo sa ibabaw ng fishpond at abot-tanaw din dito ang pool gayundin ang Cabana
At kahit tila ba yari sa abaca ang kisame nito kung titingnan ayon sa aktor gawa ito sa mga sintetikong materyales.
Samantala, para mapaganda pa ang dating ng lugar ay inilagay dito ang The Croissant set na likha ni Kenneth Cobonpue na nagbigay ng mala-beach na dating.
Cabana
Ang Cabana ay maihahalintulad sa isang maliit na bahay lalo na kung titingnan sa di kalayuan at nagsisilbi ding guest house kapag hinihingi ng pagkakataon.

Sa loob ay maaring maging at home ang sinumang tutuloy dito dahil may sarili itong kama at kabinet samantala nilagyan din ito sofa at isang coffee table. Hindi na rin aalalahanin ng sinumang manunuluyan dito dahil may sarili itong bathroom at organized na kitchen.

Hindi naman kinalimutang lagyan ni Coco ng magandang kagamitan ang bahaging sa katunayan naglagay siya dito ng upuang Bloom na gawa ni Kenneth Cobonpue at Paisley na upuan ni Vito Selma.

Sa kabilang banda, masasabing mawiwili ka naman sa lugar nito dahil sa mga piling bagay gayundin ang ilaw na inilagay dito. At maging ang salamin ay tumerno sa kulay ng paligid nito.

Sa pagpasok sa pinto ng home theatre na kasya ang walong tao ay malayang makapagrelax sa mga reclining na upuan habang nanunuod ng palabas. Sa loob ay mayroon sapat na sound system isang mamahalin na projector gayundin ang katerno nitong mechanical na screen na maaring itiklop sa tuwing walang paggagamitan. Dito rin matatagpuan ang mga napanalunang award ng “Ang Probinsyano” aktor.
Outdoor Area

Sa kabuuan masasabing pinag-isipan ng husto ang detalye at materyales na ginamit sa buong kabahayan. Sa labas ay makikita ang malawak na pool na ayon pa kay Coco ay ipinasadyan niya ang sukat nitong mula 4 hanggang 7 talampakan para sa mga pamangkin gayundin ang Jacuzzi na malapit dito.