Silipin ang Walang Kupas na Angking Kagandahan ng Aktres na si Kristine Hermosa

Ang aktres na si Kristine Hermosa ay isa nga sa pinakamaganda at may maamong mukha sa industriya ng showbiz. At hindi nga ito maitatanggi sa dami ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta na walang sawang sumusuporta sa kanya.




Bagama’t, hindi inaasahan ang pagpasok ng aktres sa showbiz, dahil ang talagang may nais mag-artista ay ang kanyang kapatid na si Kathleen Hermosa, ngunit nang mag-audition ito sa isang show sa ABS-CBN ay hindi ito napili, at ang napili para sa naturang show ay ang napakagandang si Kristine.

Photo credits: google.com

Sa edad ngang 12 taong gulang ay nagsimula ng mamayagpag ang karera ng aktres sa showbiz. Nagsimula na nga siyang gumanap sa mga teleserye noong 1998 na talaga namang ipinamalas ang kanyang galing sa pag-arte.

Photo credits: google.com

Dahil nga sa ipinamalas na husay ng aktres sa pag-arte, nagsunod-sunod na ang mga teleserye at pelikulang ginampanan ni Kristine sa showbiz. Hanggang sa makatambalan niya ang mahusay na aktor na si Jericho Rosales. At ang kanilang love team nga ay kinakiligan ng kanilang mga tagahanga dahil sa maganda nilang chemistry.

Photo credits: google.com

Maging ang gwapong aktor na si Diether Ocampo ay nakatambalan rin ng aktres sa pelikulang “Bcuz of U”, kung saan ay nagpaantig at bumihag sa mga puso ng mga manonood. Ang kanilang pagtitinginan at pag-iibigan sa pelikula ay nauwi naman sa totoong buhay. At noong September 2004 nga ay naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Nueva Ecija ngunit agad ring nagwakas ang kanilang relasyon at ito nga ay nauwi sa annulment.

 

Photo credits: google.com

Matapos naman ang kabiguan sa unang pag-ibig, muli namang binuksan ni Kristine ang kanyang puso upang umibig muli. Hindi naman nabigo ang aktres dahil kanya naman itong natagpuan sa katauhan ng aktor na si Oyo Boy Sotto. At noong 2011 nga, ay ikinasal na si Kristine kay Oyo at ang kanilang masayang pagsasama na punong-puno ng pagmamahalan ay biniyayaan ng apat na anak.

Photo credits: khsotto | Instagram

Samantala, sa pag-arangkada ng karera ni Kristine sa showbiz magmula noong 2000 ay ang pananatili naman ng kanyang walang kupas na kagandahan sa bawat teleserye at pelikulang kanyang ginampanan. Tila nga isang diyosa ang aktres sa taglay nitong kagandahan dahil hindi man lang ito nakitaan ng bakas ng pagtanda sa kanyang mukha. Ang kanyang magandang mukha na binagayan ng mapungay na mata ay lalo ngang nakakamangha kapag sinabayan pa ito ng matamis niyang ngiti. Kaya naman, marami rin sa mga kababaihan ang naghahangad ng kanyang angking kagandahan.

Photo credits: google.com
Photo credits: google.com

Ngayon nga ay 36 taong gulang na ang aktres at isa nang ganap na ina sa apat niyang anak ngunit sa kabila nito ay nananatili pa rin ang kanyang kahanga-hangang kagandahan na tila hindi kumukupas.

Photo credits: khsotto | Instagram




Photo credits: khsotto | Instagram

Narito ang ilang video trailer ng aktres na mula sa kanyang mga pelikula na kung saan ay masisilayan ang kanyang walang kupas na kagandahan.

Forevermore | Jericho Rosales and Kristine Hermosa | Supercut

All My Life Official Trailer | Aga Muhlach and Kristine Hermosa | 'All My Life'