Silipin Ang Napakagandang Family Home Ng Showbiz Sisters Na Si Mika At Angelika Dela Cruz

Parami na ng parami ang mga artistang nagiging active sa paggawa ng vlog lalo na ngayon na panahon ng lockdown. Dahil na rin marahil isa ito sa mga bagay na pwede nilang gawing pampalipas oras habang nasa bahay at sa isang banda ay nakakapagbigay sila ng update sa kanilang mga fans at followers.

Isa na nga sa mga pinaka inaabangan ng publiko ay ang mga YouTube videos ng kanilang mga idolo kung saan nagbibigay ang mga ito ng pagkakataon na ipasilip ang kanilang mga nag-gagandahan at naglalakihang mga bahay.



Nakaraang buwan nga lang ay nagpaunlak ng house tour sa bahay ng kanilang pamilya ang Kapuso actress at Barangay Chairwoman ng Longos, Malabon na si Angelika Dela Cruz o Maria Lourdes Egger dela Cruz-Casareo sa tunay na buhay.

Nitong taon lang nagsimula ang naturang celebrity mom sa paggawa ng vlogs kaya naman tuwang-tuwa ang kanyang mga tagahanga dahil mas nakikita na nila ang buhay nito sa likod ng kamera.

Sa loob ng 8-minute video ay nilibot ni Angelika ang kanilang family home na tinawag niyang “Casa Dela Cruz,” dito di umano siya lumaki kasama ang kanyang magulang at mga kapatid kabilang ang kanyang showbiz sister na si Mika Dela Cruz.

Makikita sa video na talaga namang nakamamangha sa ganda at laki ang mala-mansyong bahay ng mga Dela Cruz.

Isa nga sa mga kapansin pansin na katangian nito ay puti ang dominanteng kulay sa interyor at kagamitan maging ang matataas na ceiling.

Sa sala ng kanilang tahanan ay makikita ang portrait ni Angelika na kuha nung siya ay bata pa at kakasimula palang sa showbiz, sa isang shelf ay nakalagay ang napakaraming awards at tropeyo na natanggap niya mula sa industriyang kanyang kinabinilagan at maging ang larawan kasama ang mga kapatid. Mayroon din itong minibar, isang simple ngunit napaka eleganteng dining area at malawak na kusina.



Ayon pa sa aktres ay sakto naman ang pag-feature niya sa kanilang bahay dahil noong araw daw na iyon ay mayroon silang padasal sa likod ng kanilang bahay para sa kanyang yumaong kapatid.

Dagdag pa niya na sa bahaging ito ng kanilang bahay kung saan mayroong altar ay madalas magcelebrate ng mga big gatherings ang kanilang pamilya. Sa kabilang bahagi nito nakapwesto ang kanilang guest house na ipinasilip din ni Angelika.

Sa huling bahagi ng kanyang video ay ipinakita rin ng aktres ang kanilang malaking basement na nagsilbing lagayan ng mga lumang gamit ng kanyang lola. Hindi naman naipakita ng celebrity mom ang mga kwarto sa kanilang family home dahil di umano may mga inaayos na DIY (do-it-yourself) project sa kanilang kwarto ang kanyang mommy at si Mika, habang ang kwarto naman ng kaniyang daddy at isa pang kapatid ay nakasarado noong mga oras na iyon.

Tingnan dito.