Silipin ang mga Napaka Lawak na Lupaing ito na Bunga ng Pagsusumikap ng mga Sikat na Celebrities na ito

Ang buhay sa industriya ng showbiz ay hindi pang habang-buhay, dahil ang kasikatan na tinatamasa ay may hangganan rin at darating ang araw na ang matagumpay na karera sa showbiz ay maglalaho. Kaya naman, may mga artista na habang tinatamasa ang kasikatan ay nag-iipon o kaya naman ay ginagamit sa tama ang pera na kanilang kinikita sa trabaho bilang artista. Isa nga itong magandang paraan upang paghandaan ang mga maaaring mangyari sa hinaharap kung sakali mang magdesisyon silang lisanin na ang mundo ng showbiz.



Hindi rin lahat ng artista ay nagmula sa mayamang pamilya, kaya naman ang kanilang pagsisikap at pagtyatyaga sa trabaho ay inilalaan nila sa tama kung saan ay nagpupundar sila ng mga bagay na makakatulong sa kanila sa hinaharap kagaya na lamang ng hacienda o malawak na farm. Isa-isa natin kilalanin ang mga artistang nagpundar ng malalawak na lupa.

Zsa Zsa Padilla

Ang kahanga-hangang farm ng aktres na si Zsa Zsa Padilla ay matatagpuan sa bayan ng Lucban sa Quezon Province. Nakakalula ang lawak ng kanyang farm na ito na may sukat na dalawang ektarya. At ito nga kanyang ipinagmamalaking farm na pinangalanan niyang Casa Esperanza na punong-puno ng iba’t ibang klase ng pananim, mapagulay man o prutas gaya ng talong, saging, spinach at kamatis.

Lorna Tolentino

Ang batikang aktres rin na si Lorna Tolentino ay pinaghahandaan rin ang hinaharap kaya naman maliban sa pag-arte ay inaaral na rin niya ang farming. At ang kanyang naipundar ngang lupain na ginawa niyang isang farm ay may lawak na 5 ektarya na matatagpuan sa Cavite, at pinangalanan naman niyang Vera Grace Farm. Sa farm na ito ay maraming produktong gulay ang kanilang naaani kada taon na nagiging extra income ni LT.



Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan

Kahanga-hanga naman ang farm ng mag-asawang Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan dahil ang kanilang naipundar ay isang organic farm. Sila nga ang nagmamay-ari ng Sweet Spring Country Farm na matatagpuan sa Alfonso, Cavite. Dito nga makikita ang mga masusustansiyang gulay at prutas na maaaring mabili sa murang halaga. Binuksan na rin ng mag-asawa ang kanilang farm sa publiko upang makatulong at maibahagi ang produkto na mula sa kanilang farm.

Susan Roces

Matagal na ngang nasa industriya ng showbiz ang beteranang aktres na si Susan Roces, kaya naman hindi nakakapagtaka na nakapagpundar siya ng isang malawak na farm sa Lipa, Batangas. Sa farm ngang ito ng aktres makikita ang malawak na taniman ng dragon fruit.



Sarah Geronimo

Naging usap-usapan naman ng publiko ang kahanga-hangang farm na naipundar at bunga ng pagsisikap ng Pop Star Princess na si Sarah Geronimo dahil sa pagiging high tech nito kung saan ay may sariling solar power. Ang malawak na lupain na ito ng singer ay matatagpuan naman sa Tanay, Rizal kung saan makikita ang iba’t ibang klase ng mga namumungang pananim katulad na lamang ng dragon fruit.

Dimples Romana

Talaga nga namang napakapalad ng aktres na si Dimples Romana dahil maliban sa mga naipundar niyang bahay, isla sa Palawan at condo ay nakapagpundar rin siya ng isang farm at vacation house sa Cavite. Ang farm na ito ng aktres ay matatagpuan sa Alfonso, Cavite kung saan makikita ang iba’t ibang klaseng pananim. Masarap ring mag-relax sa farm na ito ng aktres kaya naman kadalasan niyang dinadala dito ang kanyang pamilya, maging ang kanyang matalik na kaibigan na si Angel Locsin.



Richard Gomez at Lucy Torres

Ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres naman ay naglaan rin ng panahon para sa kanilang farm na matatagpuan sa kanilang tahanan sa Carlota Hill, Ormoc City. Malaki ang pagkahilig ng mag-asawa sa pagtatanim, at ito nga ay ibinahagi pa ni Richard sa kanyang vlog kung saan makikita ang malawak na tanim ng mga sariwang gulay. Bukod rito, may ilang alagang hayop rin ang mag-asawa sa kanilang farm gaya ng mga manok.