Silipin Ang Ginawang “Makeshift Vegetable Garden” Ni Robin Padilla Sa Balkonahe Ng Kanilang Bahay

Dahil sa quarantine, marami na ngang celebrity moms ang talaga namang naaliw sa pagtatanim ng mga gulay at prutas sa bakuran ng kanilang bahay at ginawa na nga itong hobby.

Pero this time mga nanay naman ang natuwa dahil isang celebrity father naman ang nakita nilang sinubukan ang kanyang “green thumb” matapos nitong gumawa ng makeshift vegetable garden sa balkonahe ng kanilang bahay.



Siya ay walang iba kundi ang 50-year-old na action star na si Robin Padilla o Robinhood Ferdinand Cariño Padilla sa tunay na buhay. Isa sa bansag sa kanya ay ang titulong “Bad Boy” of the Philippine cinema dahil sa mga sikat na bida roles na ginampanan niya noon.

Ibang Robin na nga ang mas madalas makita ng publiko ngayon malayo sa kanyang bad boy image at kamakailan lang ay marami ang natuwa sa isang post niyang ibinahagi sa kanyang Instagram account.

Photo credits: Robin Padilla | Instagram

Sa video na ishinare ng celebrity father noong ika-1 ng Hulyo ay ipinakita nito kung paano nila sinimulan ang paggawa ng kanilang makeshift vegetable garden sa tulong na rin ng kanyang mga staffs at helpers at pati na rin ang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla at panganay nilang anak na si Maria Isabella.

Isinulat niya sa caption ng kaniyang short IG video:

“Ang pagtatanim at pag aalaga nito ay nakakapagpasigla ng araw at nakapagpapatibay ng loob dahil habang tinititigan ang pagbunga ng gulay maliwanag na ipinapakita nito na hanggat may tumutubong itinanim may pag asa ang henerasyon ngayon at ang paparating…. ngunit palagiang mag iingat dahil ang pag asa ay parang gulay kapag hindi pinag aralan maaaring itong mapeste at maglaho.”

Photo credits: Robin Padilla | Instagram   

Bago pa man ito ay nagpost din si Robin kung gaano kabigat sa pakiramdam ang mapeste ang ilan sa kanyang mga tanim,

“Tunay na may kalungkutan ang pagiging magsasaka kapag apektado ang kanyang mga tanim. Napakaliit ng aming taniman @marieltpadilla iilan pa lamang ang aming alagang mga gulay pero Napakasakit pa lang mapeste. Namatayan ako ng tatlong puno ng sili, kasalukuyang nanghihina ang 3 puno ng okra at 2 puno ng talong. Ang bilis ng paglaganap ng peste,” saad niya.



Photo credits: Robin Padilla | Instagram

Sa kabutihang palad ay hindi tuluyang nasira ang lahat sa mga ito at may ilang nabuhay ng dahil na rin sa mga payo na nakuha niya sa kanyang followers.

Photo credits: Robin Padilla | Instagram

Ilang araw nga lang ay nakitaaan niya ang mga ito ng improvement nang may mga bagong berdeng dahon na nagsimulang sumibol.

Photo credits: Robin Padilla | Instagram



Hindi naman napigilan ng action star ang magpasalamat sa ihalintulad sa halaman ang buhay ng tao, “Bismillahi arahman ni araheem 2 punong okra at 1 puno ng sili ang nagbigay ng pag asa na silay mabubuhay Alhamdulillah malalim na kasiyahan ang ibinigay ng tanawin na ito, isang tunay na aral ng halaman para sa atin na sila ay lalaban at lalaban din para mabuhay kahit pinepeste dahil Panginoong Maylikha lamang ang magsasabi kung oras mo na “finished or not finished pass your paper “. Kaawaan po sana tayong lahat ng Nag iisang Panginoong Maylikha at palagian niya tayong biyayaan ng kanyang pagpapatawad at pagpapala in shaa Allah.”