Connect with us

Entertainment

Silipin ang Buhay Ngayon ng mga Sikat na Artista na Iniwan ang Mundo ng Showbiz Matapos Magpakasal

Published

on

Sa mundo ng showbiz ay marami ang mga hindi inaasahang bagay na maaaring mangyari habang tinatamasa ang kasikatan ng mga artista. Ang ilan nga sa mga sikat artista habang nasa gitna ng matagumpay na karera ay natagpuan ang taong magbibigay ng saya at kulay sa buhay nila. At dahil nga sa wagas at tunay na pag-ibig ay mas pinili na lisanin ang showbiz upang pagtuunan na lamang ng pansin ang pamilya. Na mas pinili na lamang mamuhay bilang isang mabuting asawa at mapagmahal na magulang sa mga anak.



Isa-isa nating kilalanin at silipin ang buhay ngayon ng mga sikat na artista noon na iniwan ang matagumpay na karera sa showbiz matapos maikasal.

Kristine Hermosa

Ang aktres na si Kristine Hermosa ay unang nasilayan ng kanyang mga tagahanga sa Kapamilya Network. Ito nga ay nang samahan niya ang kanyang kapatid na si Kathleen na nais mag-artista sa Network ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay siya ang napili bilang maging isang artista. Dito na nga nagsimulang sumibol ang karera ni Kristine at mas lalo pa siyang nakilala sa teleserye ng ABS-CBN na “Pangako Sa Iyo” kung saan ay naging ka-love team niya ang aktor na si Jericho Rosales.

Ngunit, sa gitna ng kasikatan ng aktres sa showbiz ay nakilala niya ang aktor na si Oyo Boy Sotto at noong 2011 nga ay nagpakasal sila. Hindi nga nagtagal ay mas pinili ng magandang aktres na si Kristine na iwan ang showbiz upang mamuhay ng tahimik bilang isang maybahay.

At ngayon nga ay biniyayaan ng apat na anak ang kanilang masayang pagsasama, sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Kaleb Hanns, at Marvic Valentin. Isa nga ngang full-time mom na napaka-hands on sa kanyang mga anak si Kristine.

Princess Punzalan

Isa sa mga tinitingala at hinahangaang aktres sa industriya ng showbiz ang aktres na si Princess Punzalan. At isa sa mga teleseryeng tumatak at nagpaantig sa kanyang mga tagahanga ay ang “Mula sa Puso” kung saan mahusay niyang ginampanan ang papel bilang Selina.

Kasabay naman ng pamamayagpag ng kanyang karera, ang makulay niyang buhay pag-ibig kung saan ay napangasawa niya ang host at aktor na si Willie Revillame ngunit hindi naman nagtagal ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay nauwi rin sa hiwalayan.

Ngunit, muli namang umibig ang aktres sa katauhan ni Jason Field na isang na marketing professional sa U.S. At ngayon nga ay masayang naninirahan si Princess sa U.S kasama ang kanyang asawa at anak. Matapos ngang iwan ang pag-aartista, masaya na si Princess sa kanyang trabaho ngayon bilang isang nurse sa California.



Rica Peralejo

Marami ring naging tagahanga ang maganda at seksing aktres na si Rica Peralejo noong dekada 90 sa kanyang mga proyekto, katulad na lamang ng “Gimik”, “Ang TV”, “T.G.I.S.”, at “Oka Tokat” na napanood noon sa ABS-CBN. Maging ang pag-hohost ay pinasok rin ni Rica noon at naging bahagi siya ng morning show na “Umagang Kayganda”.

Dahil nga taglay ang magandang mukha, hindi maikakaila na marami ang nahumaling sa aktres at 2 nga sa Kapamilya stars ang kanyang nakarelasyon. Ngunit, matapos naman ang ilang taon ay nauwi rin sa paghihiwalay ang relasyon ng mga ito. Hanggang sa matagpuan na nga ni Rica ang tunay na pag-ibig sa pastor na si Joseph Bonifacio. At matapos nga ang kanilang kasal ay nagpasya na si Rica na iwan ang showbiz at ituon na lamang ang pansin sa kanyang pamilya.

At ngayon nga, ay isa ng full-time mom si Rica sa kanilang anak ni Joseph na si Philip. Samantala, bagama’t wala na sa industriya ng showbiz, hinahayaan pa rin niyang bukas sa publiko ang kanyang buhay dahil ngayon nga ay nasa larangan na rin siya ng vlogging na kung saan ay kinagigiliwan ng kanyang mga tagahanga ang kanyang mga video.

Isabel Oli

Ang napakagandang si Isabel Oli naman ay nagsimula ang karera sa showbiz sa pamamagitan ng tv commercial ng Max kung saan nakasama niya ang aktor na si Piolo Pascual. Hindi naman maikakaila na taglay ni Isabel ang angking galing sa pag-arte kaya naman bumuhos ang mga proyekto sa kanya.

Ngunit, nang dumating sa buhay niya ang aktor na si John Prats, bigla nalang nagbago ang buhay niya at bihira na nga siyang mapanood sa telebisyon hanggang sa tuluyan na niyang iwan ang mundo ng showbiz.



At ngayon nga ay biniyayaan ng isang masayang pamilya si Isabel sa piling ni John Prats at ang kanilang anak ay malapit nang madagdagan dahil ngayon nga ay nagdadalan-tao si Isabel sa kanilang pangalawang anak.

Neri Naig

Sino nga ba ang hindi hahanga sa husay at galing sa pag-arte ng aktres na si Neri Naig? Pinahanga nga ni Neri ang kanyang mga tagahanga sa mga teleseryeng kanyang ginampanan na talaga namang nagpaantig sa puso ng mga manonood.

Ngunit, noong 2008 ay nagpahinga si Neri sa pag-arte upang taposin ang kanyang pag-aaral. Matapos niyang maabot ang tagumpay sa pag-aaral ay muli siyang bumalik sa showbiz.

Hindi naman nagtagal nang ikasal siya kay Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar, at tuluyan na ngang iwan ang matagumpay na karera sa showbiz. At ngayon nga, ay mas mahalaga kay Neri ang kanyang pamilya. Kasabay rin nito ay ang pagsusumikap ni Neri na mapalago ang kanilang mga negosyo. Matapos ngang iwan ni Neri ang showbiz ay naging madiskarte siya sa buhay upang kumita ng pera.



Donna Cruz

Kilala naman si Donna Cruz sa industriya ng showbiz dahil na rin sa angkan ng mga Cruz na kilalang mahuhusay na artista. Dahil nga nasa dugo na ni Donna ang pagiging isang mahusay na artista, marami siyang naging proyekto na ipinamalas ang kanyang talento. Ngunit, hindi naman nagtagal ay nagpasya niyang lisanin ang mundo ng showbiz. At ngayon nga, ay masaya na siyang namumuhay kasama ang asawa niyang doktor at mga anak. Isang full-time mom sa kanyang mga anak at mapagmahal na asawa na ngayon ang aktres na si Donna Cruz.

error: Content is protected !!