Sheryl Cruz, Ipina-Tulfo Di Umano ng kanyang Dating Kaibigan Dahil sa Hindi Pagbabayad ng Utang na Umabot na ng Tatlong Taon

Marami na nga ang natulungan ng programa ni Idol Raffy Tulfo na “Raffy Tulfo in Action”, mga taong nagkaproblema sa buhay at nabigyang sulosyon ni Idol. Kaya naman, ang programa na nga ang madalas lapitan ng taumbayan dahil sa bilis ng aksiyon nito.




Ngunit, hindi lamang problema ng mga ordinaryong mamamayan ang naidudulog sa programa dahil parami na rin ng parami ang isyu kaugnay sa mga sikat na artista. Kamakailan nga, ay bisita ng programa ang aktres na si Janella Salvador nang ireklamo ang aktres ng kanyang dating personal assistant dahil sa hindi umano pagpapasahod nito. At ang isyu nga sa mga artista, ay sinundan naman ngayon ng aktres na si Sheryl Cruz na inireklamo naman ng dati niyang kaibigan kaugnay umano sa hindi nito pagbabayad ng utang.

Ang dating kaibigan na ito ni Sheryl ay nakilala sa alyas na “Alex”, isang OFW sa kasalukuyang nakabase sa ibang bansa bilang isang healthcare professional. Dahil nga sa sobrang tagal na di umano ng utang ni Sheryl sa dati niyang kaibigang si “Alex”, hindi na nag-atubili pa si Alex na dumulog sa programa ni Idol Raffy upang humingi ng tulong para masingil ang aktres sa pagkakautang nito. Ayon kay Alex, ay nagkautang umano sa kanya si Sheryl noong 2019 elections nang tumakbo ito sa bilang konsehal ng Maynila. At ang pera ngang inutang nito ay napunta umano sa mga proyekto at umabot ng halos P100,000.

Noong una raw ay may taong nagbibigay pa ng pondo para sa mga proyekto, ngunit nang nasa kalagitnaan na umano ng kampanya ay nahinto ito kung kaya’t si Alex na umano ang sumalo ng lahat ng gastos para sa nalalapit na eleksiyon noong 2019, na kung saan ay siya na rin ang nagpapasahod sa mga tauhan ni Sheryl.

Nang tanungin naman si Alex, kung bakit sa matagal na panahon ay ngayon lamang niya naisipang ireklamo ang aktres sa atraso nito sa kanya. At ayon nga kay Alex, noong una raw ay nakakausap pa niya si Sheryl at nangako pa ito na magbabayad ng paunti-unti kahit sa maliit na halaga kada buwan, ngunit nang lumaon nga ay hindi na raw niya mahagilap ang aktres dahil hindi na ito sumasagot sa mga tawag at mga mensahe niya sa social media. At sa tuwing pinupuntahan raw niya ito ay umiiwas na ito at itinatanggi na siya nito. May pagkakataon pa nga raw na tumawag pa ng guard si Sheryl mapaalis lamang siya sa subdivision na kinaroroonan nito.

At nang tawagan na nga ng programa ang aktres na si Sheryl ay hindi na nagulat si Alex nang itanggi nito ang pagkakautang nito sa kanya. Bagama’t, inamin ng aktres na magkakilala sila ni Alex, tumanggi naman itong magbigay ng pahayag kaugnay sa isyu. Sinabi rin ng aktres na ang kanyang abogado na ang bahalang kumausap at magresolba ng isyu. Ang higit namang ikinagulat ni Alex ay ang pagsasabi nito na ang pera umanong ginastos sa nagdaang eleksiyon ay hindi nito hiram sa kanya. Ayon naman kay Alex, ay wala naman siyang political agenda upang magbigay ng pera noong eleksiyon, kaya paano umano nasabi ni Sheryl na hindi niya hiram ang perang ginastos sa kampanya.




Dahil nga sa pinagsamahan nila bilang magkaibigan, inintindi raw ni Alex ang kalagayan ni Sheryl dahil wala pa itong trabaho at baka na-depressed ito sa kanyang pagkatalo noong nagdaang eleksiyon. At hindi naman raw ito ang unang pagkakataon na nagkautang sa kanya ang dating kaibigan. Kaya naman, ay binigyan niya ito ng panahon upang makapag-isip at makalikom ng pera na pambayad sa kanya. Ngunit, ang pinanghawakang pangako na P5,000 kada buwan na pagbabayad ng utang ng aktres ay hindi man lang nangyari.

Ang tanging dahilan nga ni Alex kung bakit siya lumapit sa programa ni Idol Raffy ay upang masingil sa pagkakautang ang dating kaibigan at upang matigil na ang pag-iwas nito sa kanya para sa ikabubuti ng lahat at nangsagayon ay matapos na ang isyu.

Sa huli, ay nag-iwan ng isang mensahe si Alex para sa dati niyang kaibigang si Sheryl upang sagotin at ayusin ang isyu kaugnay nga sa utang nito sa kanya.

“Hi, if may lawyer ka then sana before pa because I already gave you almost a year and a half and then with regards to my credibility, para naman tayong walang pinagsamahan to say na you have someone to discredit me and alam mo naman kung ano yung mga ginawa ko for you and alam mo naman kung hanggang saan yung extent ng help na binigay ko for you. Ilang beses na kita minessage na I want to settle everything in a legal way matagal na, last year pa, pero ikaw itong umiiwas. Parang kinalimutan mo na meron kang something na kulang sa akin. The money kung hindi mo babayaran it’s okay pero sana lang, you would say the truth and huwag ka na lang gumawa ng other things na hindi ko naman ikakasira kasi hindi naman ako public person, alam mo yan. Confidential person ako. Pero kung gusto mo ng siraan, sana hindi lang kasi ayoko din masira ka kasi madaming nag-a-idol sa yo, alam mo naman yan. Same with your generation and the future generation so ayoko naman na siraan ka din kasi hindi ako ganung klaseng tao.”

Sa pagtatapos ng programa ay inimbitahan naman ni Idol Raffy si Sheryl kasama ang kanyang abogado sa programa upang linawin ang isyu at maipaliwanag ang kanilang panig kaugnay sa isyu.




Tingnan dito:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *