Restaurant ni Kris Bernal, Isinara Muna; Para sa Aktres Mas Mahalaga ang Kapakanan ng kanyang mga Tauhan

Marami nga ang apektado ng krisis na dulot ng pandemya, hindi lamang mga empleyado na nawalan ng trabaho matapos magsara ang pinapasukang kompanya, kundi maging ang ilang negosyo ay apektado rin. Ang mga negosyo nga na may kaugnayan sa serbisyong naglalayon na magsilbi sa maraming bilang ng tao ang isa sa naapektuhan ng pandemya, dahil na rin sa ipinapatupad na social distancing.




Kagaya na lamang ng mga restaurant na nagsisilbi sa mga customer sa pamamagitan ng dine in. Ngunit, ang pagkain sa loob ng restaurant habang nasa gitna ng pandemya ay napakamapanganib sapagkat hindi natin alam kung sino ang maaaring tamaan ng nakakahawang sakit na COVID-19.

Kaya naman, ang Kapuso Actress na si Kris Bernal ay mas piniling isara muna pansamantala ang kanyang Korean Restaurant. Bagama’t, nais ng aktres ang makapaghatid ng maayos na serbisyo at masasarap na pagkain sa mga customer, mas mahalaga naman para sa aktres ang kapakanan ng kanyang mga tauhan.

Para nga kay Kris, hindi mahalaga ang kikitain kung mapapahamak naman ang buhay ng bawat isa. Dahil ang mas mahalaga sa gitna ng pakikipagsapalaran sa gitna ng pandemya ay ang manatiling ligtas at malayo sa sakit.

“2020 is not a year to make profit. Just make sure to stay alive. Thank you so much for the overwhelming support for @houseofgogiph, especially during the past few months. While our goal is to serve you the best Korean dishes, our staff’s safety is our top priority right now.”

Ito nga ang inanunsyo ng aktres sa kanyang Instagram, matapos mapabalita ang patuloy na pagdami ng mga kasong nagpopositibo sa COVID-19. Dahil nga sa patuloy na pagdami ng kaso, nagpasya ang aktres na isara ang restaurant niyang House of Gogi Banawe, upang maiwasan ang pagkalat ng sakit, at huwag ng dumagdag pa sa bilang ng dumadaming kaso.




Bagama’t, binuksan na si Kris noong May ang kanyang Korean restaurant para lamang sa take out at delivery services upang makatulong sa kanyang mga empleyado at huwag mawalan ang mga ito ng trabaho habang nasa gitna ng pandemya, hindi naman nagtagal ay nagdesisyon ang aktres na ihinto na nga ito pansamantala, dahil mas iniisip ni Kris na kung patuloy silang magbubukas ay baka mapahamak pa ang kanyang mga tauhan. Ngunit, sa kabila nito, naniniwala naman ang aktres na ang kanyang 18 na empleyado ay makakabalik rin sa kanilang trabaho kapag bumalik na sa normal ang lahat.




Hindi lamang si Kris ang nakakaranas ng hirap ngayon sa negosyo, kaya naman, nagbahagi siya ng kanyang panalangin sa mga kapwa niya negosyante na apektado rin ng krisis. Hindi rin madali ang pinagdadaanan ni Kris ngayon, lalo na sa mga pagsubok na kinakaharap niya ngayon, kaya naman, laking pasasalamat niya dahil ang kanyang fiancee na si Choi ay palaging nasa tabi niya sa tuwing siya’y nahihirapan.