Isa nga sa pinakamahalagang aspeto sa pag-aasawa ay ang pagtutulungan, hindi lamang sa pagtataguyod ng mga anak kundi pati na rin sa mga gawaing bahay. Napakalaking tulong sa mag-asawa kung ang bawat-isa ay nagtutulungan sa mga gawaing bahay.
Karamihan sa mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz ay abala sa kanilang trabaho kung kaya’t kumukuha sila ng mga kasambahay upang may mag-asikaso at gumawa ng mga gawaing bahay.
Ngunit, dahil nga sa nararanasang pandemic ngayon, natigil ang trabaho ng mga sikat na artista at ilang personalidad sa showbiz at mas marami na ang oras nilang manatili sa kanilang tahanan.
Kagaya na lamang nina Pokwang at partner nitong si Lee O’Brian na natigil sa trabaho kung kaya’t pinauwi na muna sa kani-kanilang mga pamilya ang kanilang mga kasambahay dahil na rin sa pag-aalala ng mga ito sa kanilang pamilya at mga anak.
At ngayong panahon ng quarantine nga, ang nagbigay kina Pokwang ng pagkakataon na makasama ang kanilang anak, at sila na rin mismo ang gumawa ng mga gawaing bahay.
Sa kanilang latest vlog, ibinahagi ni Pokwang ang kanilang mga pinagkakaabalahan sa loob ng kanilang tahanan habang naka-quarantine at walang kasamang kasambahay sa tahanan.
Talaga nga namang nagkakaisa ang dalawa at nagtutulungan sa mga gawaing bahay upang matapos agad. Mapapanood nga sa video na maaga nilang sinimulan ang paglilinis at pagtatrabaho ng mga dapat gawin sa bahay. Sa pagsapit nga ng alas-7 ng umaga ay nag-car wash na si Lee. Samantalang si Pokwang naman ay nagsimula ng magdilig ng mga halaman pagsapit ng alas-8.
Pagsapit naman ng alas-9, ang isinunod namang gawin ni Lee ay ang paghahalaman sa kanilang bakuran. Nagtanim siya ng binhi ng red pepper at naglagay ng karagdagang lupa sa mga paso.
Matapos naman ang ilang oras, ay oras na para paliguan ang kanilang anak na si Baby Malia. Makikita rin sa video, na maging ang paglalaba ay ginagawa rin nila ng magkasama. Ayon kay Pokwang, naglalaba sila ng mano-mano sa labas ng kanilang tahanan at hindi gumagamit ng washing machine upang makatipid sa kuryente. Tinuruan rin ng komedyante si Lee kung paano ang tamang paglalaba gamit lamang ang mga kamay.
“Life without out helpers is much busier,”
pahayag ni Lee na mas lalo namang pinahalagahan ang kanilang mga kasambahay sa kanilang kasipagan sa trabaho. Ang pagkawala nga ng kanilang kasambahay ang nagbigay ng kaalaman kay Lee kung gaano kahalaga ang kasambahay sa loob ng tahanan.
Talaga nga namang kahanga-hanga sina Pokwang at Lee, wala man ang kasambahay sa kanilang tahanan, nagawa at natapos pa rin nila ang mga gawaing bahay nang nagtutulungan.