Silipin ang Buhay ng Pamilya Pacquiao Ngayong Nasa General Santos na Sila

Matapos maibalita kamakailan lang ang pagbabalik Gensan ni Jinkee Pacquiao at kaniyang mga anak, ngayon naman ay happy together na ang kanilang buong pamilya kasama ang haligi ng kanilang tahanan na si Pambansang Kamao at Fighting Senator Manny “Pacman” Pacquiao.



Ayon sa ulat nitong nakaraang buwan, lumipad ang Pacquiao family lulan ng eroplano pauwi sa kanilang probinsya sa General Santos City matapos bahagyang luwagan na ang travel restrictions sa ating bansa at payagan nang makabyahe ang domestic flights.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Instagram

Sinamantala na nila Jinkee at kanyang mga anak ang pagkakataon makauwi sa Gensan dahil halos isang taon na silang hindi nkakabakik sa naturang lugar. Kung kaya naman ganun na lang ang sayang hatid ng pananatili nila sa kanilang hometown.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Instagram

Makalipas nga lamang ang ilang araw ay ibinahagi ng asawa ng Pambansang Kamao na si Jinkee ang isang larawan sa kanyang Instagram account na makikitang kumpleto na ang kaniyang mag-aama dahil nandoon na rin si Manny na hindi na na-ilathala kung kelan bumiyahe pauwi sa Gensan.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Instagram
Photo credits: Jinkee Pacquiao | Instagram

One big happy family ika nga nila, at ngayon ngang mas marami silang oras para makasama ang isa’t isa, makikita sa social media account ni Jinkee ang ilan sa mga pinagkakaabalahan nilang gawain.



Nariyan ang post ni Jinkee kung saan naglalaro siya ng badminton, mga larawan kung saan ibinida niya ang iba’t ibang bahagi ng kanilang magarbong tahanan, pati ang muling pagkikita nila ng kaniyang ina at biyenan na si Mommy D (Dionisia Pacquiao).

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Instagram

May isang post pa nga kung saan makikita ang isang magarang designer bike ni Jinkee na regalo di umano ng isa sa kanilang malalapit na kaibigan na si Hermie Esguerra.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Instagram

Siyempre hindi mawawala ang special gathering kasama ang ilan sa kanilang mga kamag-anak dahil panigurading namiss nila ang mga ito dahil sa tagal nilang hindi nakauwi sa kanilang probinsya.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Instagram
Photo credits: Jinkee Pacquiao | Instagram
Photo credits: Manny Pacquiao | Instagram

Marami din sa kanyang followers ang kinilig sa post niya nitong last Sunday, Hulyo 12, kung saan nagpose siya kasama niya ang Pambansang Kamao sa garden ng kanilang bahay bukod kasi sa nakamamanghang ganda ng background ay kitang kita ang sweetness ng mag asawamg Manny at Jinkee Pacquiao.