Hindi lingid sa kaalaman ng marami na isa ang ating Pambansang Kamao at Senator Manny “Pacman” Pacquiao sa pinaka mayaman tao sa buong bansa at maging sa buong mundo.
Sa katunayan, kamakailan lamang ay napabilang siya sa Forbes “highest paid athletes of the decade” kung saan nakuha nya ang ika-8 spot.
Ngunit bago pa niya nakamit ang lahat ng ito, maraming hirap at pagsubok ang pinagdaanan muna ng ating Pambansang Kamao noong siya ay bata pa. Mula sa pagiging fish vendor, panadero, sorbetero, at kung anu-ano pang uri ng trabaho na dati diumano’y pinasukan niya para lang kumita ng pera hanggang sa palarin siyang maging isang professional na boksingero.
Ngayon nga ay tinatamasa na niya kasama ng kanyang buong pamilya ang masaganang buhay at lahat ng ito ay dahil sa pagsusumikap ni Manny.
Sa kabila ng lahat ng karangyaan na mayroon si Pacquiao, marami ang lubos na humahanga sa kanya dahil hindi niya nakakalimutan na ibahagi ang kanyang blessings sa mga nangangailangang nating kababayan. Kung kaya’t hindi na rin nakapagtataka kung bakit patuloy siyang pinagpapala ng ating panginoon dahil sa taglay niyang kabaitan.
Batay sa mga ulat, mayroong nang 9 na mamahaling at magarbong mansyon na pag-aari ang mga Pacquiao dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Narito at silipin ang kanilang mga mansyon:
1. Beverly Hills Mansion
Ayon sa balita noong 2015, binili di umano ni Manny Pacquiao ang mansyon na ito na tinatayang may 10,000 square-foot na lawak sa halagang $12.5 million. Nasa loob ito ng isang exclusive at gated community na tinatawag na Summit Circle.
2. Los Angeles 2-Story Home
Isa pa sa mansyon ng mag-asawang Manny at Jinkee sa ibang bansa ay ang kanilang Los Angeles 2-Story property sa California. Ang mansyon nilang ito ay na na-feature na rin dati sa MTV Crib kung saan si Manny pa mismo ang nag-lead ng tour sa crew ng naturang music channel show.
3. General Santos White House
Madalas naman nating makita sa mga Instagram post ng butihing maybahay ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao ang kanilang General Santos White House.
4. First Mansion in GenSan
Ayon sa ulat, ang first mansion ng pamilya Pacquiao sa Gensan ay matatagpuan sa Lagao Village. Gaya ng kanilang General Santos White House madalas din na ibahagi ni Jinkee ang mga larawaan ng kanilang First Mansion sa kanyang mga social media posts.
5. Sarangani Beach House
Kung nais naman nilang magrelax at ma-enjoy ang magagandang tanawin, mayroon din ang mga Pacquiao na beach house sa Sarangani. Tinayo ang kanilang modern-looking beach house sa tabing dagat ng Tuka Beach, Sarangani Province.
6. Forbes Park
Ang Forbes Park mansion naman nila sa Makati City ay sinasabing binili noong 2011. Dito kasalukuyang naninirahan si Manny at Jinkee kasama ang kanilang limang anak na sina Jimuel, Michael, Mary, Queenie at Israel. Madalas na din ito ma-feature ngayon sa kanilang mga vlogs.
7. Dasmariñas Village, Makati City
Batay sa mga report, ito ang isa sa pinakahuling mansyon na binili nina Manny at Jinkee Pacquiao, may mga balita na di umano’y binebenta na nila ang naturang bahay dahil sa isyu na naganap sa nasabing subdivision.
8. Laguna Mansion
Isa pa sa agaw-pansin na real estate property ng mag asawang Pacquiao ay ang kanilang Laguna mansion. Perfect spot ito dahil malapit ito sa Tagaytay at Batangas, nagdesisyon silang bilhin ang naturang property dahil malapit ito sa international school kung saan nag-aaral ang kanilang mga anak.
9. Under Construction
Matatandaan na mayroong post si Jinkee sa kanyang Instagram account kung saan pinasilip niya ang isa pa nilang property na “under construction,” subalit hindi na niya binanggit ang detalye kung saan nila ito ipinapatayo.