Nico Bolzico Nagpahayag Ng Paghanga Sa Kakayahan Ni Solenn Na Mag “Multitasking”

Talaga naman hindi masusukat ang at pagmamahal ng mga ina sa kanilang anak. Simula palang sa kanyang sinapupunan ay labis labis na pag-aaruga at pag iingat na ang ginagawa nila hanggang sa oras na maipanganak na ang kanilang mga supling.

Kaya naman hindi na rin nakapagtataka kung bakit lahat halos ay kaya nilang gawin para lamang mapabuti ang kapakanan ng kanilang mga anak. Tunay ngang sila ang ilaw ng tahanan na nagbibigay liwanag sa buhay ng bawat pamilya.



Isa pa mga mga sa mga katangiang taglay ng mga ina ay ang abilidad nila na gampanan ang iba’t ibang gawain ng sabay-sabay. Kadalasan ay sila nakatoka sa mga gawaing bahay, nagluluto, naglilinis, naglalaba, naghuhugas ng pinggan at nag-aalaga sa kanilang mga anak. Halos wala na ngang oras para sa kanilang sarili masiguro lang na maayos ang pamamalakad sa buong bahay maging ang kalagayan ng mga anak.

Photo credits: Nicobolzico | Instagram   

Pero syempre, kelangan din naman nila ng tamang oras ng pahinga o kaya’y ilang oras para makapagrelax at magawa ang mga bagay na gusto nila.

Photo credits: Nicobolzico | Instagram

Isa ang first-time dad na si Nico Bolzico sa mga naniniwala na dapat itong bigyan pansin ng mga busy mommies na kadalasan ay halos mapabayaan na nga ang kanilang sarili dahil sa mga gawain nila sa kanilang tahanan.

Photo credits: Nicobolzico | Instagram

Sa kanyang Instagram post nakaraang Hulyo 4, nagpahayag siya ng labis na paghanga sa kanyang asawa na si Kapuso celebrity Solenn Heusaff dahil nasaksihan niya kung paano ito mag multi-tasking ngayong mayroon na silang baby.



Nagpost siya ng larawan ni Solenn kung saan makikita na kalong nito si Baby Thylane habang naka-bottle feed at sa harap niya ay mayroong isang sketchbook at iba’t ibang kulay ng panulat. Abala pala ito sa pagpipinta habang pinapagatas ang kanilang 7-buwang gulang na anak.

Photo credits: Nicobolzico | Instagram

“Multitasking doesn’t exis… Never underestimate how many tasks a mother can do at the same time! That doesn’t mean they should, we must always be there to help, make sure they enjoy motherhood and be a reminder that they need to do things for themselves!” saad niya sa caption

Photo credits: Nicobolzico | Instagram

May payo din siya sa mga kapwa tatay niya na hindi porke’t nakikita nila na kaya na ng kanilang mga asawa na gawin ang mga bagay-bagay na ito ay hahayaan na nila itong mag-isa, dapat daw ay alalayan pa din sila para mas maging masaya ang kanilang buhay,

“Our role is to be a strong support system to make sure they can also enjoy life outside motherhood! A happy mum is the best mum!”