Connect with us

Uncategorized

‘Na-bankrupt kami’: Kim Chiu, Nagbalik-tanaw sa Hirap na Naranasan sa Buhay Bago Tuluyang Makamit ang Tagumpay

Published

on

Bago nga tuluyang makamit ang minimithing tagumpay sa buhay ay kinakailangan munang dumaan sa butas ng karayom at maranasan ang hirap ng buhay.

Kagaya na lamang ng aktres na si Kim Chiu na kung saan ay hindi naging madali ang mga pinagdaanan sa buhay bago tuluyang makamit ang tinatamasang tagumpay ngayon.



Naging bukas na nga sa publiko ang buhay ni Kim kung saan ay ibinabahagi na ang kanyang tagumpay na naabot sa buhay, maging ang kanyang mga pinagdaanang hirap bago maging matagumpay sa showbiz bilang isang artista.

Sa programang “Pano Kita Pasasalamatan”, naging emosyunal nga si Kim nang magbalik-tanaw siya sa kanyang nakaraan at mga pinagdaanan sa buhay na sa huli ay kanya namang nalampasan.

Sa edad na walang taong gulang, ang kanyang mga magulang ay naghiwalay matapos umano madiskubre ng kanyang ina na may iba pang pamilya ang kanyang ama maliban sa kanila. Dito na nga nagsimulang makaranas ng pighati at hirap sa buhay ang aktres.

Ibinunyag naman ni Kim na mula sa kinalakihang bayan sa Tacloban City, ay nagpalipat-lipat umano sila ng tirahan sa iba’t ibang lungsod katulad na lamang ng Cebu, General Santos, at Cagayan de Oro. Ito nga ay matapos malugi ang negosyo ng kanyang ina, na nagdulot sa kanilang pamilya upang ma-bankrupt.

“Meron kaming tindahan. May store kami and nagkaroon lang ng problema sa mama ko. And then na-bankrupt kami.”



Ngunit, hindi naman nawalan ng pag-asa si Kim upang muling makabangon sa pagkalugmok ang kanyang pamilya. At ang reality competition nga na ”Pinoy Big Brother” ang naging daan ni Kim sa pag-abot ng kanyang mga pangarap upang mabago ang buhay ng kanyang pamilya. Sa kompetisyon ngang ito ipinamalas ni Kim ang kanyang angking talento at pagiging isang mabuting tao. At dahil nga sa kanyang pagsusumikap at dedikasyon sa pag-abot ng kanyang pangarap ay nagtagumpay si Kim na makuha ang titulo bilang “Big Winner” ng kauna-unahang Pinoy Big Brother Teen Edition.

At ngayon nga, makikita sa buhay ni Kim ang isang malaking pagbabago, isa na nga siyang matagumpay na artista na kung saan ay hinahangaan ng publiko. Lahat nga ng pagsubok na dumaan sa buhay niya ay kanyang napagtagumpayan. Hindi nga maitatanggi na malayo na nga ang narating niya sa buhay at ang sarap ng tagumpay ay kanya nang tinatamasa ngayon.

 

error: Content is protected !!