Marami nga ang humahanga kay Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil sa kanyang ipinamalas na husay sa Miss Universe Pageant noong 2018. Talaga nga namang taglay ni Cat ang katangian ng isang beauty queen dahil pinatunayan niya na ang salitang “beauty and brain” ay nasa katauhan niya.
Ngunit, hindi lamang ‘beauty and brain” ang maipagmamalaki ni Catriona kundi maging ang kanyang talento pagdating sa musika. At ito nga ang natatago niyang husay sa pag-awit na kung saan ay siya naman niyang ginagamit sa kabutihan. Dahil ang talentong ipinagkaloob sa kanya ay nagsilbing instrumento upang makatulong sa mga nangangailangan.
At kamakailan nga, kasama ang kanyang boyfriend na si Sam Milby, ipinamalas ni Catriona ang kanyang husay sa pag-awit, samantalang ang aktor naman ang naggigitara sa kanilang music video ng bagong version ng kantang “We’re in This Together”. Tunay nga na maliban sa pagmamahal nila sa isa’t isa, ay pareho rin mahilig sa musika ang magkasintahan.
Ang kanta ngang ito ay nirelease ni Cat noong 2018, ay ngayong 2020 nga ay ginawan niya ito ng bagong version ngunit sa pagkakataong ito ay kasama na niya ang kanyang boyfriend na si Sam Milby. Hindi lamang isang collaboration sa musika ang kahanga-hanga nilang music video kundi may magandang adhikain rin ito.
At ito nga ay ang supurtahan at tulungan ang adbokasiya ng organisasyon ng Young Focus Philippines na naglalayon na matulungang makapag-aral ang mga mahihirap na kabataan habang nasa gitna ng pandemya ang bansa, at inilunsad nga ang kampanyang “Quality Education for All” upang makalikom ng halagang P1 milyon para maging pondo sa pagsisimula ng online education sa bansa.
Lahat nga ng perang kikitain sa stream at download ng naturang kanta ay mapupunta sa Young Focus Philippines upang tulungan ang mga kabataan na nais mag-aral ngunit walang kakayahang makilahok sa online classes.
Ang music video ng kantang “We’re in This Together” ay ibinahagi ni Catriona sa Youtube kung saan ay pinasalamatan niya ang boyfriend na si Sam at mga taong tumulong sa pagbuo ng music video.
“Special thanks to my love Sam Milby, my Young Focus Philippines family and my Cornerstone Entertainment family.”
Matatandaan na kamakailan lang ibinunyag nina Catriona at Sam Milby ang kanilang relasyon sa publiko, at ito nga ay isiniwalat ni Sam sa mismong araw ng kanyang kaarawan noong May.