Marielle Padilla at Kasambahay nito Nagpalitan ng Kanikanilang Gawain sa Loob ng Isang Araw, Mga Netizens Nagoodvibes sa Challenge na ito ni Marielle

Aliw na aliw ang mga YouTube subscribers ni Mariel Rodriguez-Padilla ng i-upload nya ang kanyang pinaka recent na vlog entry kung saan sinubukan nito na makipag swap ng gawain sa isa sa kanilang longtime kasambahay.



Nitong ika-5 ng Hulyo ay ibinahagi ng celebrity mom ang 16-minute video na pinamagatang “Who Is The Best Actress? [Mariel or Erna???].” Dito ay kasama niya ang kanilang helper at cook na si Ate Erna. Mahigit siyam na taon na sa kanila ang nasabing kasambahay kaya naman halatang close na close na ito sa kanilang pamilya.

Marielle Rodriguez Padilla | Youtube 

Nagpasya ang 35-year-old na Kapamilya host at aktres na sa loob ng isang araw ay gawin ang karaniwang gawain ni Ate Erna sa loob ng kanilang tahanan, habang ito naman ang nagmistulang naka-dayoff sa mga gawain at pautos utos lang sa kanyang Ma’am Mariel.

“Happy Sunday Mommies, Daddies and to all our viewers!!! Welcome back to my channel! Tonight’s vlog is something special because it’s my first time to do switch lives challenge and I did it with Erna, one of our staff and cook for 9 years. I hope you will enjoy and comment down below who do you think the Best Actress Award goes to….” saas niya sa video description.

Marielle Rodriguez Padilla | Youtube

Sa simula palang ng video ay marami ang humagalpak sa tawa ng mapunit ang pang-ibabang unifom na ginamit ni Mariel, mapapansin din kasi na nadagdagan ang kanyang timbang dahil na rin marahil sa pagiging hands-on nito at breastfeeding mom sa kanyang bunsong anak na si Maria Gabriela.

Pagkatapos mag-set ng lamesa ay kumain naman si Mariel sa kusina kasama ang isa pa nilang kasambahay. Dito ay walang arte siyang kumain ng naka-kamay, naghugas ng pinggan, nagserve ke Ma’am Erna, nagluto at marami pang iba.

Marielle Rodriguez Padilla | Youtube

Sa kasalukuyan ay umabot na sa higit 340k views ang kanyang nasabing vlog at marami pa ang mas humanga kay Mariel dahil mas lumabas ang tunay nitong ugali.



Narito ang ilan sa mga komento sa kanyang post:

“She is the vlogger I loved the most. She’s so kind towards her housemaid. Hindi yung iba. Lagi ako nanunuod ng vlog nya inuulit ulit ko pa. Sana po mag react naman sya sa message ko kasi love na love ko sya.”

“At first during wowowee days kala ko talaga si Ms. Mariel ung sosyal type girl, na maarte. But when she got married and nagkaroon ng babies ibang mariel na ung nakikita ko. Kalog pala siya parang ang sarap kasama.”

WHO IS THE BEST ACTRESS? [MARIEL OR ERNA???]