Mamangha Sa Mala-Dyosang Ganda Ng Dating Lesbian Na Nagpaka Babae Matapos Ma-Inlove Sa Isang Lalaki

Isang dilag ang naging agaw pansin sa social media dahil sa taglay niyang ganda. Mas marami pa nga ang namangha matapos nilang malaman na siya pala ay isang dating lesbian na nagpakababae matapos ma-inlove at di kalaunan ay magpakasal sa isang lalaki.


Sa katunayan, ang kumakalat niyang larawan ay ang kanilang wedding photos kung saan tila ba walang bakas na dating umasta at pumormang lalaki ang naturang magandang dilag.

Siya ay si Mariel “Yella” Jansen-Borja at ang kanyang napaka swerteng asawa naman ay si Jaycee Yap Borja. Maraming netizens ang nagulat at kinilig matapos i-feature ang kanilang kwento sa GMA News program na “24 Oras Weekend.”

Sa kanilang panayam sa reporter na si Nelson Canlas ikinuwento ni Jaycee kung ano ang kanyang unang impresyon sa kanyang asawa na dating kung pumorma at gumalaw ay mas astig pa sa kanya.

“Ang hindi ko makalimutan doon, ‘yung ano, nagpunta siya sa CR. Tapos nung pupunta siya sa restroom, habang naglalakad siya, para siyang si FPJ,” natatawang saad niya.

Hindi rin makapaniwala ang dating lesbian na si Yella dahil di umano’y desidido na talaga siya nuon na magpakalalaki, “Dati talaga, tibo. Ang naaalala ko, one time, kausap ko ‘yung friend ko. Sabi ko, parang gusto ko nang mag-pills…’Yung all-out? Short hair na ako, so what’s next?” pag-amin ni Yella.


 

Gayunpaman, hindi ito naging hadlang kay Jaycee para ituloy anf panliligaw kay Yella. Sa katunayan, mas mabilis silang naging komportable sa isa’t isa dahil hindi na niya kinailangan na magpa impress ng todo sa dalaga.

Dagdag niya, “Noong first date namin, imbes na magpa-impress ako sa kanya, mas naging totoo kami sa isa’t isa noong date namin. Kumbaga, parang walang hiya. Respect pa din, pero respect pa din sa gender preference. Kasi hindi naman natin talaga sila magju-judge.”

Maraming tao naman ang na aliw sa kanilang kakaibang istorya ng pag-ibig at nagsilbing inspirasyon na walang imposible sa dalawang taong tunay na nagmamahalan.

Sa hulinh bahagi ng kanilang panayam ay nagbigay ng payo si Yella sa mga tao na naghahanap ng kanilang “forever” na huwag matakot magpakatoo sa kanilang sarili dahil mas makakatulong ito upang maging mas masaya ang isang relasyon.

“Just enjoy and then don’t hold back. Be true to yourself kasi doon ka talaga sasaya. I mean, hindi mo kailangan mag-panggap. hindi mo kailangan mag-tago. Parang, mas free ka eh,” ayon pa kay Yella.

24 Oras: Babaeng dating astang lalaki, mala-diyosa sa kanyang kasal

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *