Mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, Nag Exercise Bonding sa Pamamagitan ng Boxing

Ang tinaguriang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ay kilala sa angkin nitong husay pagdating sa larangan ng boxing. Ang kanyang angking galing sa pagpapabagsak ng kalaban sa loob ng ring ang nagdala sa kanya sa tagumpay. At ngayong nasa tugatog ng tagumpay, masayang tinatamasa ng kanyang pamilya ang marangyang pamumuhay na bunga ng pagsisikap niya sa boxing.

Napakalaki nga ng pagmamahal ni Manny sa boxing na kung saan ay hindi pa rin nawawala sa kanyang buhay kahit ngayong nasa gitna ng pandemya ang bansa dahil bahagi pa rin ito ng kanyang exercise routine upang mapanatiling nasa kondisyon at malusog ang kanyang pangangatawan.



Kaya naman, nang umuwi na sila sa General Santos City ay mas lalo pa niyang na-enjoy ang boxing dahil sa pagkakataong ito ay kasama na niya ang kanyang asawang si Jinkee na kung saan ay siya mismo ang nag-train upang madaling matutunan ng kanyang asawa ang larangan na kanyang kinahihiligan.

Ang masayang bonding moments ngang ito nina Manny at Jinkee sa kanilang tahanan sa GenSan kung saan tinuturuan ni Manny si Jinkee ng boxing ay ibinahagi ng Pambansang Kamao sa kanyang Instagram.

Makikita na nag-eenjoy si Jinkee habang tinuturuan siya ni Manny ng boxing. At tila epektibo naman ang work out ni Jinkee, dahil makikita na tagaktak na ang pawis niya mukha. Mahilig ring mag-ehersisyo si Jinkee upang mapanatiling fit at healthy ang kanyang katawan ngunit, tila mas na-eenjoy ni Jinkee ang boxing dahil kasama niya ang asawa at ito pa mismo ang nagtuturo sa kanya.

“Manny Pacquiao, best trainer in the world and best fighter in the world,”

bungad na pahayag ni Jinkee sa video na talaga namang enjoy na enjoy sa ginagawa.



Matatandaan na umuwi ng GenSan ang pamilya Pacquiao nang lumuwag na ang quarantine sa Metro Manila at nagkaroon na ng biyahe pauwi sa mga probinsya upang doon mamalagi habang hindi pa tapos ang kinakaharap na suliranin ng bansa laban sa COVID-19. Ngayon ay kasalukuyan namang nasa modified community quarantine ang General Santos City na kung saan ay patuloy pa ring pinag-iingat ang bawat isa at ipinapatupad ang mga alintuntunin upang maisawan ang pagkalat ng nakakahawang sakit.

Samantala, ang bonding moments ng mag-asawa habang nag-boboxing ay hinangaan ng mga netizens kung saan umani ito ng mga positibong komento.