Binigyang linaw na ng Kapamilya actress na si Loisa Andalio ang isyu ukol sa di umano’y pagsasama nila sa iisang bahay ng nobyong si Ronnie Alonte.
Matatandaang unang nagsama ang dalawa noon sa loob ng Bahay ni Kuya, kung saan marami ang agad nakapansin ng kanilang ng pagiging malapit sa isa’t isa na hindi kalaunan ay nauwi saa pag-team up sa kanila onscreen.
Noong Disyembre 2018 nga ay inamin na rin ng young couple ang kanilang relasyon sa publiko. Gayunpaman hindi pa rin maiwasan na maging sentro si Ronnie at Loisa ng mga isyu dahil na rin sa taglay nilang kasikatan.
Kamakailan nga ay maraming netizen ang labis na nacurious sa tunay estado ng pagsasama ng dalawa na nag-ugat sa larawan na ibinahagi ni Ronnie sa kanyang Instagram account. Sa nasabing larawan kasi ay makikita ang dalawa habang magkahawak kamay at naglalakad patungo sa isang malaking puting bahay na napaliligiran ng maraming halaman.
Kaya naman upang matigil na ang mga espekulasyon ay nagbigay na sila ng pahayag ng makapanayam sila ni Toni Gonzaga sa Sunday episode ng “I Feel U.”
Nilinaw agad ng aktres na magkalapit lamang ang kanilang bahay nila sa Laguna at Cavite kaya madalas silang magkasama at sadyang malapit lamang sila sa isa’t-isa ng nobyo.
“Kasi kami ni Ronnie parang magkapitbahay lang kami, Laguna and Cavite. Kumbaga isang exit lang. Parang 30 minutes away lang po yung bahay namin,” ani Loisa.
“Kumbaga, parang ganoon lang namin kamahal ang isa’t isa, na lagi kami magkasama, na akala nila mag-live in kami kasi lagi kami magkasama.” dagdag pa ng aktres.
Inamin din ng 23 anyos na Kapamilya actor na bagamat hindi pa raw matagal ang relasyon nila ni Loisa ay napag-uusapan na rin naman nila ang pagpapakasal.
“Lagi ko naman sinasabi sa kanya iyon na nararamdaman ko iyon.” pahayag nito.
“Siyempre, kami, na parang alam naman ho namin na madami na naman pagsusubok na pagdadaanan. Hindi ganoon kahaba relasyon namin, pero alam naman po namin sa isa’t isa na kaya.
“Kaya lagi ko po sa kanya pinapaalala araw-araw, ‘Uy, pagdating isang araw…’ Magkasama na kami sa isang bahay. Papakasal kami.
“Excited na ako sa mga puwede mangyari sa aming dalawa.” dagdag pa ni Ronnie.
Matatandaan na sa isang hiwalay na panayam noon sa aktor ay ipinagmalaki nito na mas naging seryoso di umano siya sa kanyang trabaho ngayon dahil na rin sa kanyang mga plano para sa kanyang future.