Komedyanteng Si Super Tekla Napaluha Sa Muling Pagkikita Nila Ni Willie Revillame Sa Programang ‘Wowowin’

Sa panahon ng pagsubok mas lalo mong makikilala ang taong hindi magdadalawang isip na iabot ang kanilang kamay upang masabing hindi ka nag-iisa sa iyong pinagdadaanan sa buhay.

Napatunayan ni Super Tekla na anuman ang mga nagawa niyang pagkakamali sa nakaraan ay hindi maaring maging hadlang upang hindi muling maging mabuti ang parating na kinabukasan.

Matapos nga ang ilang panahon na hindi pakikipag-usap sa dating kasamahan at co-host na si Willie Revillame ay muling nagkaharap sila. Sa programang Wowowin ay muling nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na makapag-usap ng masinsinan matapos na biglang umalis si Tekla sa Wowowin noong taong 2017. At sa kanyang muling pagbisita sa dating kinabibilangang show ay napuno ito ng madamdaming usapan kasama si Willie.



Nagsimula sa simpleng imbitasyon hanggang sa personal ng pumunta si Tekla sa mismong set matapos malaman ni Willie na may malaking problemang pinagdadaanan ang dating co-host. Ibinalita ng dating kasamahan din na si Donita Nose sa Wowowin host na may sakit ang bagong silang na anak ni Tekla at nangangailangan ito ng agarang atensiyong medikal.

Kaagad naman na nagpaabot ng mensahe si Willie at nangakong tutulungan ang dating kasamahan. Narito ang ilang bahagi sa emosyonal na pag-uusap nila Kuya Wil at Tekla.

“Nag-doubt pa nga ako, Kuya. Sabi ko, ‘Wag na kaya. Nahihiya talaga ako”,
“Alam mo Kuya(Willie Revillame),

Nag-aalangan ako. Pero nanaig pa rin sa akin, ‘Hindi, tutulungan ako ni Kuya Wil. Pagsasabihan ako nun, pero alam ko ang puso nun.”,

may halong hiya pang sabi ng “Celebrity Bluff” host..

Photo credits: GMA

Samantala, inamin naman niya na nagkaroon siya ng pagkakamali sa ilang mga desisyon na nagawa. Kinuha na rin ni Tekla ang pagkakataon na iyon upang magpaliwanag at humingi ng tawad,

“I admit that, Kuya. May mga pasya tayo sa buhay na akala natin tama, iyon pala hindi.
Pero may kaakibat ding leksyon at aral doon sa mga pasya mo minsan na mali na hindi mo naman pwedeng i-consider na mali talaga.
Doon mo makukunan at matutunan ng aral iyong mga desisyon mo na iyon.
So, sa mga points na iyon, siyempre, pinanghihinayangan ko rin naman”,

“Of course, never din ako nagtanim ng galit or kung ano man.
At saka hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap ka nang personal.
“Kasi, may gusto akong gawin Kuya(Willie Revillame), na pakiramdam ko hindi ako maggo-grow sa poder mo, so I tried na mag-explore.

Sabi ko, pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko sisirain or makita mo ako one day naglalakad, nanghihingi, namamalimos.
Sabi ko, hindi. Sabi ko, I have plans Kuya na gusto kong mag-level up ba para ma-try iyong other side ko”, emosyonal na pagbabahagi pa ng 38 taong gulang na komedyante.



Sa kabilang banda, ayon kay Super Tekla labis labis ang pagpapasalamat niya kay Willie,

“I know, alam ng tao iyan, na kung wala ang Wowowin, walang Tekla ngayon, Kuya.
I always owe that, tinatanaw ko ng utang na loob iyan kahit po saan man ako makarating, abroad, shows. Nakatatak po sa akin iyan, e, iyan po iyung minold niyo sa akin. Yan po ang sobrang hirap niyang tanggalin”, pagsasalaysay pa ng “The Boobay and Tekla Show” host.

Photo credits: GMA

Hindi naman nagdalawang isip si Willie na patawarin ang dating co-host at bukal sa pusong inunawa ito,

“Lagi ko naman kayo iniintindi. Lagi ko iniisip sa sarili ko, kailangan niyo kasi siguro ‘yan.
Anyway, ang importante iyong pagpapakumbaba,. Yun na, andito ka na.
You’re back. At siyempre, welcome back, Tekla”, sagot naman ng mabait na Kapuso host.

Samantala, nangako si Willie sa “All Out Sundays” cast na wala siyang dapat ipag-alala at nakahanda siyang tumulong dito,

“’Wag kang mag-alala, ‘yung anak mo,
Huwag kang mag-alala, tutulungan kita. Ipagdasal mo na sana lumaban ‘yung bata, Diba”,
“Ganun talaga, nangyayari ‘yan siguro para aral sa atin. Baka masyadong umaangat na ‘yung mga paa natin sa lupa.
“Huwag ka mag-alala, makakaraos ‘yan”, paniniguro pa ng 59 taong gulang na Wowowin main host.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nagbibigay ng saya ang programang Wowowin at mula lunes hanggang biyernes ay mapapanuod ito sa Youtube, Facebook at Kapuso station na may hashtag pa na “TutokToWin”.

Wowowin: Ang emosyonal na pagbabalik ni Super Tekla sa ‘Wowowin’