Para sa mga dating nagmamahalan totoong hiindi nga naman talaga madali na mapanatili pa ang magandang pagtitinginan matapos nilang mapagpasiyahan na tapusin na ang kanilang ugnayan. Marahil dahil sa labis na sakit naidulot ng paghihiwalay ay piliin nilang wag ng magkaroon pa ng anumang komunikasyon sa dating minahal.
Sa kabilang banda, mayroon pa ring iba na napagpasiyahang panatilihin pa rin ang magandang pakikitungo at komunikasyon sa dating mga karelasyon para na rin kapakanan ng kaayusan at kabutihan.
Ating kilalanin ang mga artista na nanatili pa rin na magkaibigan kahit na naghiwalay na sila ng mga landas ng kanilang mga dating minamahal.
Sharon Cuneta at Gabby Concepcion
Sino ba ang hindi kinilig sa maituturing na isa sa pinakasikat na loveteam noong dekada 80 at sa dami ng pelikulang kanilang pinagsamahan marami ang natuwa ng ang kanilang pag-iibigan ay nauwi kasalan.
Subalit maaring dahil na rin sa mga pansarili nilang dahilan ay napagdesisyunan nilang maghiwalay. Sa kasalukuyan ay masaya sila sa kanilang mga sariling buhay at ayon kay Gabby ay magkaibigan pa rin sila ng aktres.
Janice de Belen at Aga Muhlach
Talaga namang maraming pinakilig ang tambalang Janice-Aga sa harapan ng kamera at maging sa likod nito. Sa murang edad ay hinarap nila ang isang matinding hamon sa kanilang personal na buhay at career matapos na mabuntis ang noon ay bata pang aktres.
Pagkatapos maisilang ang anak nilang si Igi Boy ay nagdesisyon silang maghiwalay.
Sa kabilang banda, hindi naman naging mahirap sa kanila na maging magkaibigan para sa kapakanan ng kanilang anak. Sa kasalukuyan ay masaya sila sa piling ng mga mahal sa buhay at ganap na rin na mga Lolo at Lola.
Claudine Barretto at Raymart Santiago
Madami namang pinagdaanang pagsubok ang relasyong Claudine at Raymart na nauwi pa nga sa demandahan ng magkabilang panig. Subalit sa kasalukuyan ay napagkasunduan nilang maging mabuting magkaibigan at parehong pinapalaki ang mga anak nilang sina Santino at Sabina.
Vicki Belo and Atom Henares
Lingid sa nakakarami ang isa sa pinakasikat na dermatologist sa bansa na si Maria Victoria Gonzales Belo-Kho na mas kilala bilang Vicki Belo ay may unang naging asawa na nagngangalang Atom Henares na isang kilalang negosyante. Sa ngayon ay matalik silang magkaibigan at malalaki na ang kanilang mga anak na sina Quark at Cristalle.
Michelle Van Eimeren and Ogie Alcasid
Madami man ang nagulat sa paghihiwalay ng dating mag-asawang Michelle at Ogie ay napanatili nila ang magandang relasyon. Sa katunayan ang dating beauty queen at bago nitong asawa ay kinuhang ninong at ninang nina Regine at Ogie sa kanilang anak na si Nate.
Jennylyn Mercado and Patrick Garcia
Samantala hindi man naging maganda ang itinakbo ng relasyon ni Jennylyn sa dating kasintahan na si Patrick Garcia. Dahil matapos ang ilang panahon ay nauwi sa hiwalayan ang kanilang samahan noong kasalukuyang ipinagbubuntis pa ng Kapuso aktres ang anak na si Alex Jazz.
Sa kabilang banda, nagkasundo silang maging magkaibigan para na rin sa kapakanan ng kanilang anak sa katunayan malapit na magkaibigan si Jennylyn sa bagong Asawa ni Patrick na si Nikka Martinez.
Karla Estrada at Rommel Padilla
Sino bang tagahanga ng tinaguriang ‘King of hearts’ ng industriya ng showbiz ang hindi nakakakilala na ang mga magulang ng kanilang idolo ay ang aktres na si Karla Estrada at aktor na si Rommel Padilla.
At kahit hindi sila nagkatuluyan ay matalik pa rin sila na magkaibigan at ayon pa sa “Magandang Buhay” host ay hindi nagbago ng pagiging maalalahanin ng aktor. At ayon naman sa aktor ay tuwang-tuwa pa rin siyang biruin ang dating karelasyon.