Pagdating sa usapang kayaman ay hindi magpapahuli ang ating bansang Pilipinas. Nangunguna rito ang ating likas na yaman at mga magagandang tanawin na dinadayo pa ng mga taga ibang bansa masilayan lamang ito. Higit namang ipinagmamalaki ng ating lupang sinilangan ang mga talentong taglay ng ating mga kababayan na talaga namang hinahangaan ng mga dayuan. At ang ilan dito ay mismong sa bansa pa bumibili ng mga obra.
Ang mga kahanga-hangang paintings ng mga kilalang pintor sa bansa ang isa sa mga kinikilala at nagsisilbing yaman ng bansa kung saan ay sumisimbolo at sumasalalim sa kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Hindi naman talaga maikakaila na napakatalentado nating mga Pinoy pagdating sa sining, kaya naman ang mga dayuhan ay labis na humahanga at tinatangkilik ang ating mga likhang sining.
Ngunit, higit sa mga dayuhan, sino paba ang tatangkilik ng likhang sining ng ating mga kababayan kundi tayo ring mga Pilipino. At marami sa mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz ang hindi nagpahuli na magkaroon ng mga kahanga-hangang obra ng mga mahuhusay na pintor sa loob ng kanilang tahanan. Katulad nalang ng mga sumusunod na artista.
Korina Sanchez-Roxas

Ang napakagandang tahanan ng mag-asawang Korina Sanchez at Mar Roxas na matatagpuan sa Makati ay napapalamutian ng mga kahanga-hangang paintings. Ang kanilang kombinasyon ng kulay puti at itim na pintura na nagpatingkad sa ganda ng interior design ng bahay ay mas lalo pang pinamukadkad ang ganda ng mga paintings na nakasabit sa bawat sulok ng tahanan.Isa sa mga mahusay na Filipino Artist ang may likha ng nude painting na matatagpuan sa kanilang powder room.

Maging sa living room, dining area at bedroom ay may masisilayan rin ang naggagandahang paintings na likha ng mga kilala at mahuhusay na pintor na sina Fernando Amorsolo na kilala bilang National Artists for Visual Arts, BenCab, Federico Aguilar Alcuaz, Jose Joya, Onib Olmedo, at Malang.
Grace Poe
Ang humble home naman ni Sen. Grace Poe na matatagpuan sa Quezon City ay punong-puno rin ng mga kamangha-manghang obra ng mga Filipino Artist. Isa nga sa ipinagmamalaki ng Senator sa kanilang tahanan ay ang Sarimatok painting na obra ng National artist na si Abdulmari Imao.

Napakaganda rin ang nakasabit na painting sa recieving area ng kanilang tahanan, kung saan, makikita naman sa isang lamesa ang obra na mother and child ni Ed Castrillo na mas binagayan naman ng mga antigong vase.

Coco Martin
Sino nga ba ang mag-aakalang ang macho at gwapitong si Coco Martin ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ay malaki rin ang pagmamahal sa sining? Isa sa mga kahanga-hangang obrang makikita sa kanyang tahanan ay ang painting na likha ni Trek Valdizno na sasalubong sa mga bisita niya sa living room. Mas lalo nga nitong binigyang kulay ang napakagandang living room ng aktor at bumagay sa mga eleganteng kagamitang makikita rito.


Kim Atienza
Ang TV host naman na si Kuya Kim Atienza ay ipinamalas rin ang kanyang paghanga sa mga obra ng mga mahuhusay na Filipino Artist sa bansa at marami ngang paintings ang makikita sa loob ng kanyang tahanan. Sa kanyang living room nga ay bubungad na agad ang kahanga-hangang painting na Pagsusuka. Mayroon rin siyang iba pang mga paintings kagaya na lamang ng Pagkaupos ni Alfredo Esquillo at Inspirasyon.


Janice de Belen
Ang napakagandang tahanan naman ng aktres na si Janice de Belen ay punong-puno rin ng mga kahanga-hangang paintings mula sa mga mahuhusay na pintor. Magmula nga sa living area ng kanyang tahanan hanggang sa library ay makikita ang naggagandang mga paintings. May makikita ring mga nakasabit na painting sa dingding sa may hagdan na patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Ilan nga sa mga mahuhusay na Filipino Artist na lumikha ng mga obra na ito ay sina Robert Shook, JJ Zamoranos at Mendoza na talaga nga namang ipinamalas ang angking talento sa pagpipinta.

