Talaga nga namang nakakaantig ang kwento ng “Pamilya Ordinaryo” dahil ito’y sumasalamin sa reyalidad ng buhay. Ang indie fim na “Pamilya Ordinaryo” ay umiikot sa kwento ng teenage couple na sina Aries at Jane na kung saan ay nakatira sa lansangan at nabubuhay lamang sa pandurukot ngunit ang kanilang buhay ay biglang nagbago nang ang kanilang nag-iisang anak ay na-kidnap. Dahil nga sa kahanga-hangang kwento ng pelikula at husay ng mga cast, maraming manonood at mga kabataan ang naka-relate dito.
Ipinamalas nga ng mga cast ang kanilang talento sa pag-arte, na talagang mababakas ang damdamin na nais ipabatid ng bawat eksena. At ang isa sa mga cast ng naturang film na malaki ang naging papel upang hangaan at tangkilikin ang pelikula ay si Hasmine Killip o si Hasmine Bulaong Formalejo na gumanap ng karakter bilang Jane.
Si Hasmine ay tubong Paranaque City at lumaki sa kanilang tirahan sa Sagrada Pamilya Don Bosco at ang angkan naman ng kanyang ina ay mula naman sa Malolos, Bulacan. Samantala, nakapagtapos naman siya ng Highschool sa lungsod ng Paranaque sa paaralan ng Jesu Mariae International School. Nang tumuntong naman siya ng kolehiyo ay kumuha siya ng kursong B.S. Office Administration sa Taguig City University.
Hindi nga nagtagal ay nagkaroon na siya ng interes sa pag-arte at nagsimula nang hasain ang kanyang natatagong galing sa pag-arte sa pamamagitan ng mga audition. Una nga siyang napabilang sa indie film na “Junilyn”, kung saan ay director si Director Carlo Manatad na siya ring director ng “Pamilya Ordinaryo”.
Dahil nga may tiwala na ang director sa husay at galing ni Hasmine sa pag-arte, inalok siya nitong mag-audition para mapanghamong papel na kanyang gagampanan bilang Jane sa indie film na “Pamilya Ordinaryo”. Ngunit, ayon kay Hasmine, nang tumawag raw ito ng alas-onse ng gabi para sa audition ay sinabi niya na wala siyang perang pampamasahe. Nang mga oras na yun, ay katatapos lamang niyang maglaro ng bingo kung saan ay natalo siya at naubos ang kanyang pera.
Ngunit, hindi naman nag-atubili si Direct Manatad na tulungan si Hasmine dahil sinagot nito ang kanyang pamasahe patungo sa lugar ng audition. Bagama’t, siya na ang kahuli-hulihang nag-audition, matagumpay naman niyang nasungkit ang papel ni Jane sa nasabing pelikula.
Talaga nga namang ipinamalas ni Hasmine ang kanyang angking talento sa pag-arte. Hindi rin niya binigo ang nagtitiwalang director sa kanyang kakayahan dahil ginawa niya ang lahat upang maging maganda at damang-dama ang bawat eksena sa pelikula na kung saan ay kapupulutan ng aral patungkol sa reyalidad ng buhay lalo na ng mga kabataan.
“Since director Carlo Manatad had trust in my acting, I tried my best not to fail him. The title of the film Pamilya Ordinaryo is intended for me. I felt the excitement, especially that of the story. I promised myself that I would give my very best to the film because it had a good story. If you watch Pamilya Ordinaryo, you will feel the tension and romantic excitement. And it teaches lessons, especially geared for teenagers… I am hoping they will continue supporting Filipino-made films. I am also hoping that young people will gain insight from our movie to be able to trek the right path in life.”
Nagbunga nga ang pagsusumikap ni Hasmine at ang taglay niyang talento ang nagdala sa kanya sa tagumpay kung saan ay pinarangalan siyang Best Actress sa Urian Awards para sa indie Film na “Pamilya Ordinaryo”.
Hindi nga halos makapaniwala si Hasmine, kahit pa nakatanggap na siya ng international at local awards sa nasabing pelikula. At nang matanggap niya nga ang magandang balitang ito sa pamamagitan ng tawag mula sa isang kaibigan ay kasalukuyan siyang nasa United Kingdom, kung saan ay nag-aalaga ng kanilang anak ng asawa niyang si Anthony Killip na isang business consultant.
“I am indeed happy to be included as one of the nominees for the acting award and it is a great privilege to be (nominated) alongside those I have truly admired.”
“A friend told me that I just won the award and I told her ‘Crazy! I did not win and maybe you misread it, but I am a nominee.’ But she told me to check my Facebook account, so I checked it and I was really surprised.”
Congratulations Hasmine! Talagang deserved ni Hasmine ang titulong Best Actress sa pelikula dahil ipinamalas niya ang husay at galing sa pag-arte na talaga nga namang damang-dama ang damdaming nais ipabatid ng bawat eksena. Napakagandang ring pelikula dahil ito’y punong-puno ng aral sa buhay at magsisilbing inspirasyon para sa mga kabataan kung paano nila tatahakin ang tamang landas.