KC Concepcion Masayang Ibinahagi sa Kanyang Instagram Account ang Kanyang mga Larawan Habang Solong Nagbabakasyon Sa Isang Exclusive Resort Sa Batangas

Sa kasalukuyan ay nananatili pa rin na sarado ang ilang mga kilalang tourist destination sa ating bansa dahil sa banta ng CoVid-19 at sa utos na din ng gobyerno na huwag munang magbukas ang mga ito habang nasa ilalim pa ng community quarantine.

At matapos ngang maianunsiyo sa publiko ang mga lugar na mailalagay sa mga iba’t-ibang antas ng community quarantine mayroong ilan na ring muling mabibjgyan ng pagkakataon na magbukas.



At para sa aktres na si KC Concepcion muli siyang nagkaroon ng pagkakataon na muling makapagbakasyon sa isa sa kilalang tourist destination sa ating bansa. Matapos nga ang ilang buwang pananatili niya sa sariling kondo dahil sa mahigpit na pagpapa-iral ng Enhanced Community Quarantine ay muli siyang nakalabas ng kanyang tahanan.

Photo credits: itskcconcepcion | Instagram  

Nitong July 1 ay nagpunta ang aktres sa Farm At San Benito na isang kilalang tourist destination sa bayan ng Lipa, Batangas. Inienjoy ni KC ang masasarap na pagkain at magagandang tanawin sa lugar kasama ang dalawang pinakamamahal na alaga na sina Churro at Chica.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang mga kuha mula sa pagbabakasyon,

“My body + mind were craving for mother nature after 100 days of solo isolation in my condo ? My villa comes with a pool filled with water coming from a natural spring! ? Just untouched water found deep within the property of @thefarmatsanbenito… The dogs get to swim for the first time, I hear birds chirping everywhere, and huge ? snails are taking their sweet time too ♥️”, caption pa niya sa larawan habang naliligo siya sa pool.

Photo credits: itskcconcepcion | Instagram

Nabanggit dan niya ang pagkagusto na mas maglaan ng maraming oras sa probinsya tuwing siya ay nasa bansa,

“Good morning ☀️…Pag nasa Philippines ako parang gusto ko na yata sa probinsya?? Parang gumaganda mood at katawan ng tao dito e. ?Walking a lot, working out with no mask (just fresh air), eating more veggies, saying a morning prayer under a 300-year old mango tree? Check check check ?⭐️”, sabi pa ng dalagang aktres.



Photo credits: itskcconcepcion | Instagram

Samantala, tuwang-tuwa naman siya na nakasama sa bakasyon ang kanyang dalawang alaga,

“Immune booster of the day: My happy fur babies Churro & Chica + staying away from toxic environments, people, thoughts & things. Try natin dumedma sa mga hindi nakakaganda … gagaang loob natin magiging blooming ka pa ? hahaha”, banggit pa ng panganay ng aktres na si Sharon Cuneta.

Photo credits: itskcconcepcion | Instagram

At para sa magandang aktres mas napamahal siya sa mga tradisyonal na bagay na matatagpuan lamang sa ating bansa,

“Discovering Philippine made products, locally-grown veggies, and Philippine / Asian wellness traditions is my new obsession ☀️ Sabi nga nila, local muna tayo. Pilipinas muna tayo ?”.