Ang edukasyon nga ang isa sa itinuturing na pinakamahalagang bagay sa ating buhay dahil ito ang magsisilbing daan patungo sa minimithing tagumpay. Ito nga ang bagay na maaaring makakapagpabago at makakapag-ahon mula sa mahirap na buhay na ating nakagisnan.
Marami nga sa mga kabataan ngayon ang naghahangad na makapagtapos ng pag-aaral upang ang kanilang pangarap ay matupad at mabago ang kanilang buhay. Ngunit, dahil na rin sa kahirapan, marami ang walang kakayahang makapag-aral, kung kaya’t hindi man lang sila nakakatuntong sa paaralan upang simulan ang daan patungo sa tagumpay.
Mabuti na lamang at may mga taong may mabubuting puso na handang tumulong sa mga nangangailangan, lalo na pagdating sa usaping edukasyon. At isa nga si Kara David sa mga tao nais tumulong na may sariling scholarship program para sa mga mahihirap na kabataan upang matulungan ang mga walang kakayahang makapag-aral. Ito nga ang Project Malasakit na inilunsad ng pribado at pampublikong ahensya kung saan ay naglalayon na suportahan ang edukasyon upang matulungan ang mga mahihirap na nais makapag-aral.
Napakalaki nga ng naitutulong ng protektong ito sa mga beneficiary, at isa sa mga beneficiary ng proyekto ni Kara na kamakailan lang ay nagtagumpay na makapagtapos ng Highschool ay si Bimiana Capuno na isang Katutubong Aeta mula sa Porac, Pampanga.
Ito nga ay proud na ibinahagi ng broadcast journalist na si Kara David sa kanyang Instagram Account.
“Extremely proud of our Project Malasakit scholar Bimiana Capuno who graduated from senior high school this year at the Holy Angel University Pampanga.”
Talaga nga namang kahanga-hanga ang scholar ni Kara na si Bimiana, ang pagiging isang katutubo ay hindi naging hadlang upang ipamalas ang kanyang kakayahan sa pag-aaral na kung saan ay ginawa niya ang lahat upang maging karapat-dapat sa Project Malasakit bilang isang scholar. Napakatalentado rin ni Bimiana, maliban sa galing sa academic, ipinamalas rin niya ang angking galing bilang isang singer, songwriter at football player. At nagtagumpay nga si Bimiana na makamit ang minimithing tagumpay, at ngayon nga ay nakapagtapos na siya ng Senior High School sa Holy Angel University sa Pampanga.
Kaya naman, suportado siya ni Kara hanggang siya ay makapagtapos sa kolehiyo na talaga nga namang proud na proud sa kanya at sa nakamit niyang tagumpay.
“We are behind you all the way hanggang makapagtapos ka ng kolehiyo. Mabuhay ang katutubong Pilipino! #projectmalasakit #scholarships #aetatribe.”
Congratulations Bimiana! Isa kang patunay na hindi hadlang ang kahirapan at pagiging isang katutubo sa pag-abot ng pangarap sa buhay. Napakalaking biyaya naman ni Kara sa mga kagaya ni Bimiana, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga nagnanais na mabago ang buhay at naghahangad na maging matagumpay pagdating ng panahon.