Tunay nga na ang pagkakaroon ng isang tunay at tapat na kaibigan ay maituturing na isang biyaya, sapagkat ang makatagpo ng taong magiging kaibigan upang pagkatiwalaan ay napakahirap.
Hindi rin naman matatawaran ang masayang samahan na pagkakaibigan lalo na kung may malalim na dahilan ang pinagsamahan at pagiging magkaibigan. Kaya naman, ang pagkakaibigan ay isang kayamanan na dapat ingatan dahil wala ng hihigit pa sa isang tunay at tapat na kaibigan para pagkatiwalaan.
Kahanga-hanga nga ang samahang mayroon ang Kadenang Ginto star na si Beauty Gonzales at aktres na Ellen Adarna dahil ang kanilang pagkakaibigan pala ay may malalim na dahilan kaya naman mas lalo pa itong naging matatag. Ang aktres nga na si Beauty Gonzalez ay nagbalik tanaw kung paano nagsimula ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ng aktres na si Ellen Adarna.
Matatandaan na minsan nang nakasama ni Beauty sa isang Kapamilya teleserye si Ellen Adarna, at dito na nga nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. At ayon kay Beauty, ay pareho silang bisaya kaya naman agad silang nagkasundo at naging malapit sa isa’t isa. Isang blessing naman kung maituturing ang pagiging close nila ni Ellen dahil si Ellen umano ang rason kung bakit niya nakilala ang kanyang asawang si Norman Crisologo.
“So lalong lumalim ang friendship namin kasi nakita ako sa isang magazine ni Norman tapos hinanap niya ako. Tapos sabi ni Ellen ‘uy kasama ko yan sa ‘Moon of Desire’ na pinagsamahan namin ni Ellen sa ABS-CBN, tapos ayun siya ang naging Cupid naming dalawa.”
Samantala, kung si Ellen ay may mahalagang parte sa buhay ni Beauty, ang asawa naman ni Beauty na si Norman ay may papel ring ginampanan sa buhay ni Ellen dahil ito ang naging tulay upang magkakilala naman sina Ellen at aktor na si John Lloyd Cruz na bagama’t hindi na work out ang kanilang relasyon ay biniyayaan naman ng isang anak.
“Si Norman ‘yung nag bridge sa kanila ni John Lloyd kaso hindi nangyari, (hindi nag work) but okay lang,” pahayag ni Beauty.
At ngayon nga, ay mas lalo pang lumalim ang kanilang pagkakaibigan lalo na’t pareho na silang ina sa kanilang mga anak.
Samantala, aminado naman si Beauty na hindi naging madali ang kanyang mga pinagdaanan upang makamit ang tagumpay na tinatamasa ngayon. Ngunit, dahil nais niyang matupad ang kanyang pangarap, gaano man kahirap ay nagsumikap at ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya sa bawat proyekto na kanyang ginagampanan. Kaya naman, lahat ng paghihirap niya ay nagbunga at kanya na ngang tinatamasa ang tamis ng tagumpay.
Kasabay nga ng tagumpay na tinatamasa niya ay ang pagdating ng kaibigan niyang si Ellen Adarna sa buhay niya kung saan ay naging tulay upang makilala niya ang taong magbibigay saya at kulay sa buhay niya. At ang tagumpay niya ay lalo namang namayagpag nang maging isa na siyang ganap na ina sa anak nila ng asawang si Norman.
“May konting suwerte in the process of being where I am right now, and you know malaking bagay rin ‘yung pagiging totoo. Kasi kung di ka totoo sa sarili mo, then you were not happy. Isa lang naman ang goal ko e, I wanna be happy that’s my dream. I wanna be happy and I want people around me to be happy,” pahayag ng aktres sa programang “I Feel U”.