Kapamilya News Magazine Show Ni Korina Sanchez Na ‘Rated-K’ Magpapaalam Na Matapos Ang 16-Taon Na Pag-ere Sa Telebisyon

Talagang marami ang nalungkot sa naging desisyon sa tuluyan ng pagpapasara ng isa sa pinakasikat na istasyon sa telebisyon ang Kapamilya network na ABS-CBN. At alinsunod sa nakakalungkot na balita ay kinailangan na ring harapin ng management at mga empleyado ng kilalang istasyon ang malungkot na kalalabasan ng nasabing desisyon.

Dahil sa mabigat na sitwasyong kinakaharap ng istasyon nito lamang nakaraang Miyerkules ika-15 ng kasalukuyang buwan ay napilitan na ang management na magtanggal ng ilan nilang mga empleyado. Samantala, bago pa man ang pag-anunsiyo ng pagbabawas ng mga empleyado ay kinailangan na ring isara ng tuluyan ang mga programa na bahagi ng Current Affairs ng ABS-CBN.

At sa tuluyang pagsasara ng Kapamilya network isa sa kabilang sa ipapahinto ng ABS-CBN ay ang television news magazine show na Rated-K na pinagbibidahan ng kilalang newscaster na si Ms. Korina Sanchez. Matapos ang 16 na taon na pag-ere sa telebisyon ay tuluyan ng kinailangag magpaalam ng buong programa sa kanilang matagal ng mga avid televiewer.

Sa Instagram account ng Kapamilya host ay tila ba nagpahiwatig na siya sa magiging kalalabasan ng tuluyang pagsasara ng istasyon na kinabibilangan,

“ABSCBN. Practically my first job even before graduating college. It is my honor to have been in the very first show that went back on-air that day, after its franchise was returned to the Lopezes in 1987

“Watch Us Do It Again was our tagline. And ABSCBN did. And more. And how. And this was after the network had to shut down after the declaration of Martial Law, after owner Geny Lopez was jailed and escaped to the US to fight another day, after freedom of the press was killed and then resurrected after more than 20 years.

You see, that’s why I hold my 30 year loyalty award trophy with a smile. I believe in miracles. I believe in right winning over wrong. I believe, ABSCBN will be back. You ask me how I am. I am grateful, for more than 30 years serving the Filipino in a Philippine flagship. I am humbled the Lopez family and management trusted me from Day One in my early twenties, till today. I am proud to have been chosen by you to be in your homes almost every single day in my eventful broadcast career I am excited, for what happens next And I am certain, history will do this entire episode justice.”

This isn’t goodbye. This is, see you again. Hopefully sooner than later. Handa na ba kayo? ❤️💚💙
#KapamilyaForever”, mensahe pa ng maybahay ni dating Senador Mar Roxas.

Taong 2004 buwan ng Mayo ng magsimulang umere sa telebisyon ang Kapamilya news magazine show na kaagad na pumatok sa mga televiewer na di kalaunan ay tinapatan ng kalabang istasyon na GMA ng sarili nilang programang Ang Kapuso Mo Jessica Soho na naipalabas naman ng buwan ng Nobyembre ng nasabi ring taon.

Sa kabilang banda, bukod pa sa programang Rated-K ay magpapaalam na rin sa telebisyon ang morning show na Umagang Kay Ganda, Matanglawin, SOCO, Kuha Mo!, Failon Ngayon gayundin maging ang mga documentary show ng Current Affairs Department ng ABS-CBN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *