Napakalaki naman talaga ng pinagkaiba ng pamumuhay sa probinsya at pamumuhay sa syudad dahil higit na maeenjoy ang buhay sa probinsya sa dami ng maaaring gawin at pasyalang magagandang lugar. Maliban nga sa mga magagandang tanawin, ay napakasarap ring damhin ang sariwang simoy ng hangin, sabayan pa ito ng napakagandang tanawin na hatid ng sikat ng araw tuwing umaga.

Kaya naman, ang maybahay ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao ay napakasarap ng gising at tila buhay na buhay ang katawan tuwing umaga magmula ng umuwi sila sa probinsya ng Sarangani at doon manatili habang hindi pa natatapos ang pandemyang nararanasan sa bansa. Talaga nga namang hindi pinapalampas ni Jinkee at ng kanyang pamilya ang maenjoy ang bawat sandaling pananatili nila sa napakagandang lugar ng Sarangani.

Sa paggising nga ni Jinkee, sinimulan niya ang kanyang magandang umaga ng isang masarap na almusal at kasabay nito ay kanyang nilasap ang sariwang simoy ng hangin habang nakatanaw sa napakagandang tanawin.

Sa kanyang Instagram post, makikita na talagang enjoy na enjoy si Jinkee sa pagharap ng isang napakagandang umaga, kung saan makikita siyang nag-aalmusal ng pandesal, kape at suman habang nakatanaw sa napakagandang tanawin ng isang beach sa Sarangani. Talaga nga namang napaka-relaxing ng umaga ni Jinkee at tunay ngang isang napakagandang umaga ang hatid nito sa kanya upang magpasalamat sa Maykapal sa mga biyayang ipinagkaloob sa kanilang pamilya.

“Happy life begins by saying “Thank You, LORD” ?? Good Morning ??☘️.”
Samantala, hindi naman nakakaligtaan ni Jinkee ang kanyang exercise routine upang maging fit at healthy, dahil nga ngayong nasa probinsya na siya, ay mas lalo niyang naeenjoy ang kanyang pag-eexercise tuwing umaga kasabay ng magandang panahon at masarap na simoy ng hangin.

“Work harder. Feel Stronger. Never Give up,”
pagbabahagi ni Jinkee sa kanyang Instagram habang nag-eexercise.

Sa pananatili nga ng kanyang pamilya sa Saranggani ay nagkaroon sila ng bonding moments kasama ang ilan nilang kaanak. Hindi nga pinalampas ng kanyang pamilya ang mapuntahan ang magagandang lugar kagaya ng mga bukirin at beach na talaga namang kahanga-hanga ang ganda ng tanawin. Makikita nga na mas lalong naeenjoy ng kanyang pamilya ang pamumuhay sa probinsya kumpara sa pamumuhay sa syudad.