Jason Francisco Ng PBB Couple Na “Melason” Ipinasilip Ang Mga Pananim Na Gulay At Prutas Sa Kanilang Bakuran Sa Probinsya

Sariwang hangin, magagandang tanawin, tahimik na kapaligiran at mga kulay berdeng pananim ilan lang yan sa mga benepisyong matatagpuan sa ating pagbisita sa probinsya. Malayo sa moderno at maingay na kabihasnan makikita ang payak ngunit masasabing nakakahangang pamumuhay.




Tunay na hindi maikukumpara ang mga kakaibang mararanasan sa pamamalagi at pamumuhay malayo sa modernong lifestyle sa mga lungsod.

At para kay Jason Francisco dating PBB housemate at isa sa loveteam na “Melason” buong pagmamalaki niyang ipinagmamalaki ang kanyang tinitirhang probinsya. Ibinida niya sa mga tagahanga ang kanyang buhay probinsya mula sa simple nitong pamumuhay gayundin sa mga pananim na matatagpuan sa loob ng pagmamay-aring bakuran.

Photo credits: Melason Official Youtube

Sa kanilang official YouTube channel na “Melason” ay ibinahagi niya ang kanyang simpleng pamumuhay sa tinitirhang probinsya,

“Alam niyo guys napakaswerte ko, bakit kasi meron akong probinsya. Alam naman natin sa panahon ngayon diba walang mga trabaho diba pero maganda talaga sa probinsya masasabi ko bakit kasi sa probinsya kung wala kang trabaho kung masipag ka lang maghanap ng makakain mo sa bakuran mo meron kang makikita – Dito kasi diba dito kasi sa probinsya basta masipag ka lang hindi ka magugutom”, pagbabahagi pa ng better half ni Melai Cantiveros..

Photo credits: Melason Official Youtube    




Ipinagmalaki din ng dating PBB housemate ang mga tanim na prutas at halaman na karaniwan lang na madaling mapitas sa kapaligiran ng kanilang bakuran,

“Meron kaming kaimito, meron kami ditong malunggay na napaka-sustansiya, papaya dahon ng sili, kalamias, santol. May okra din, ampalaya, kalabasa pero yun sa kapitbahay pwede kang manghingi. May langka kami na napakasarap o kalamias, sarap niyan sa isda na may pinangat tulingan”, salaysay pa niya.

Photo credits: Melason Official Youtube

Samantala masayang ipinagmalaki din ni Jason ang paborito niyang prutas na avocado na ayon sa kanya ay bihira daw mabili sa mga kilalang mall subalit napakarami sa probinsya. Ang nasabing prutas din ang pinakadahilan ng inupload niyang blog sa YouTube channel na tinawag pa niyang ‘avocado harvest’,

Photo credits: Melason Official Youtube

“Kaya ngayon sa blog ko na to eh mangunguha tayo ng avocado, Avocado harvesting”, sabi pa ni Jason.

Photo credits: Melason Official Youtube

Para kay Jason labis labis ang pasasalamat niya na mayroon siyang probinsya kung saan ay nakakapag-ani siya ng mga prutas at gulay. Sa huling bahagi ng kanyang blog ay sinabi ni Jason na kanyang pasasalubungan ng avocado ang kanyang mag-ina na hindi nakasama sa pagpunta sa probinsya.

Photo credits: Melason Official Youtube




Ilang mga tagahanga ang tuwang-tuwa sa pagblog at pagmamalaki ni Jason sa kanyang mga pananim na gulay at prutas sa loob ng kanyang bakuran,

“Music Channel8 – Theirs no place like home sa Province nasa paligid lang ang pagkain at prutas vegetables kaya nakakamiss sa Province”,
“Tristan The Adventurer. – Omg! Remember the tiktilaok ng manok every morning sa pinas. Masarap tiga magbakasyon sa probinsya-lalo n Ihat presko at bagong harvest ng veggies/food or bagong huli ng seafood. Godbless you all”,
“Vie Ar – Sino dito. Laking probinsya like mel Kaya na miss ko na ang probinsya ko, kahit walang ulam sa tabi tabi lang madami makukuha na fresh vegetables pa hehehe”.