Kamakailan lang ay naalala ng sikat na aktres at YouTube star na si Ivana Alawi ang isang kakaibang kaganapan sa kanyang buhay kung saan mayroon di umanong isang mayamang manliligaw na nagalok sa kanya ng date sa Japan.
Mas marami pa ang mas nagulat ng idagdag ng 23-anyos na Kapamilya star na ang hindi pinangalanang lalaki na isa niyang masugid na tagasubaybay ay mayroon din private jet at dito daw sila sasakay papunta sa naturang bansa.
Hindi maitatanggi na milyon milyong lalaki sa ating bansa ang nahuhumaling sa ganda at natural charm ni Ivana. Sa katunayan, isa na nga siya ngayon sa most followed celebrities sa social media gaya nalang sa kanyang official YouTube channel na umabot na sa mahigit 7.6 million ang subscribers.
Sa pinakalatest vlog nga niya nitong nakaraang Lunes, Hulyo 13, ay pinatakam tayo ni Ivana Alawi kasama ang kanyang bunsong kapatid na si Mona Louise Rey sa kanilang nag “Mukbang” challenge.
Ngunit mas marami nga ang na-intriga dahil habang busy ang dalawa sa pagkain ay mayroon ding question and answer portion na tinawag nilang “Ask Mona, Ask Ivana.”
Isa sa tanong na ibinigay sa kaniya ng kaniyang fans ay kung ano di umano ang pinaka bonggang paraan ng panliligaw ang natanggap na niya. Dito sumingit ang kanyang nakababatang kapatid na si Mona at ibinahagi ang naalala nitong isang pagkakataon kung saan may magpapasundo daw sa kanyang ate na manliligaw nito gamit ang kaniyang private jet.
Agad namang nilinaw ni Ivana na tinaggihan niya ito dahil di niya nagustuhan ang way ng paginvite ng nasabing manliligaw.
Paliwanag niya: “That time parang gusto ko kumain ng Japanese food parang nagki-crave ako nag-post ako sa Instagram. Matagal na siya nagdi-DM sa Instagram. Sabi niya, ‘Puwede ba kita ligawan? Sunduin kita ng private jet. Tapos punta tayo ng Japan, tapos kakain tayo dun.’ Tapos, parang ako, sa tingin mo sasama ako sa ‘yo papunta ng Japan dahil lang may jet ka? No!”
“Eto lang masasabi ko, hindi porke’t may pera ka makukuha mo lahat ng gusto mo. Sometimes you just have to be good to people. You have to be friendly. Kung gusto mo makipagkaibigan, makipagkaibigan ka. Pero hindi porke’t, ‘Ay, may jet ako,’ lahat ng babae sasama sa ‘yo,” dagdag pa niya.
Inilabas din ni Ivana ang kanyang saloobin na dapat ibahin siya ng kanyang naturang mayamang manliligaw dahil hindi siya ang tipo na nasisilaw sa pera.
“Ay, boy! Ibahin mo ako. You have to make ligaw to me or you have to be friends with me. But hindi ako sasama sa iyo dahil lang may jet ka at kaya mo akong pakainin sa Japan. Boy, meron naman mga Japanese resto dito. Ay, naku! Naiinis talaga ako. Hindi siya bongga. Pinakamayabang.”
Matapos nito ay ipinaliwanag niya na mas okey pa nga para sa kanya ang mga simpleng date o pagkain gaya ng bulalo basta maayos ang ugali at sincere ang kanyang makakasama.
“Mas gusto ko po yung simple. Dalhin mo ako sa bulalo, kwekwek. Pero yung yayabangan mo ako? Ay, ni-reject ko talaga,” saad ng Kapamilya star.
Maraming namang netizens ang labis na humanga pa kay Ivana dahil sa kanyang pagka prangka at pagka praktikal sa mga ganoong bagay. Kaya naman ilang araw pa lang matapos niyang i-publish ang kaniyang vlog ay umani na ito ng higit 2.5 millions views sa YouTube.