Hindi nga matatawaran ang kaligayahang hatid sa mga magulang ang pagdating ng milagrong biyaya sa pamilya. Ito nga ang pagdating ng isang bagong silang na sanggol na magbibigay saya at kulay sa pamilya. Talaga nga namang nakakasabik masilayan ang bagong silang na sanggol lalo na kung ang sanggol na ito ay nag-iisang babae sa pamilya.
Labis nga ang kaligayahan ngayon ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania dahil nanganak na nga si Iya at ang kanilang pinakaaasam na magkaroon ng prinsesa sa kanilang pamilya ay natupad na.
Ngayong araw nga, July 18, 2020 sa ganap na 7:15 ng umaga, ay isinilang na ni Iya ang napakacute at nag-iisang babae sa kanilang pamilya na pinangalanan nilang Alana Lauren V. Arellano. Dalawa na ang anak na lalaki nina Drew at Iya, si Antonio Primo, ang panganay nilang anak na ipinanganak noong August 30, 2016 at si Alonzo Leon na ipinanganak naman noong August 19, 2018. Dahil nga may 2 boys na sila, nagdesisyon ang mag-asawa na huwag alamin ang gender ng kanilang 3rd baby upang maging surpresa kung ano ang kasarian ng baby na dinadala ni Iya hanggang sa manganak ito.
Kaya naman, ngayong nanganak na si Iya ay halos hindi makapaniwala ang mag-asawa na ang matagal nilang hinihiling na magkaroon ng baby girl ay natupad na. Ayon naman kay Iya, malakas ang pakiramdam niya na lalaki ang gender ng dinadala niya. Kaya naman, laking gulat rin niya nang isang napaka-cute na baby girl ang ipinagkaloob sa kanila.
Samantala, ibinahagi naman ni Iya sa Instagram ang kanyang labis na pasasalamat dahil sa pangatlong pagkakataon ay nagawa niyang maipanganak ng maayos ang kanyang baby at pareho silang ligtas na mag-ina.
“Delivery is hard. Thank you Lord for getting me through that once again.”
Samantala, ang mister naman ni Iya na si Drew ay masayang-masaya rin sa pagdating ni Baby Alana at agad ngang nagpost si Drew sa Instagram ng larawan ng napakacute na mukha ni Baby Alana. May larawan ring ibinahagi si Drew kung saan makikitang kasama nila ni Iya si Baby Alana.
Mababakas naman kay Iya na tila hindi man lang ito nahirapan sa panganganak dahil mukhang fresh parin ito at nananatiling maganda pagkatapos manganak.
Tiyak naman na excited na ring makita nina Primo at Alonzo ang kanilang kapatid na si Baby Alana na talagang napakacute sa maumbok nitong pisngi. Tiyak rin na mas lalong magiging masaya at makulay ang kanilang pamilya sa pagdating ni Baby Alana.
Marami naman sa kanilang malalapit na kaibigan sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati sa panibagong blessing na dumating sa kanilang pamilya.