Ika nga ng ilan pagdating sa usapang pag-ibig “Ang mga seaman raw ay manloloko”, ito nga ang madalas na biruan sa mga seaman na ginawan pa ng nakakatawang salita na “sea-manloloko”.
Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami, ginagawa ng isang seaman ang lahat ng kanilang makakaya upang makatagal sa kanilang trabaho sapagkat hindi madali ang pagiging isang seaman. Dahil nga ang pagiging seaman, ay nasa bingit ng trahedya ang buhay habang nakikipagbuno sa malalakas na alon ang barkong sinasakyan nila.

Maliban naman sa pagod at puyat sa kanilang trabaho, ang isa pang kalaban ng pagiging seaman ay ang labis na kalungkutan at pagka-homesick sa kanilang mga mahal sa buhay. Kaya naman, ang tangi nilang kinakapitan ay ang signal o internet connection sa barko upang kahit sa maikling sandali ay makausap at makamusta man lang ang kanilang pamilya. Ngunit, hindi naman lahat ay mapalad sa pagkakaroon ng signal dahil may mga pagkakataon na sa ilang bahagi ng laot ay walang masagap na signal.

Kaya naman, ang pinakamahirap sa pagiging seaman kapag nasa isang relasyon ay ang kawalan ng komunisyon at pagiging LDR. Isa nga itong napakatinding pagsubok upang paglabanan para mapanatiling matatag ang relasyon nang may buong pagtitiwala at pagmamahal sa isa’t isa.

Usap-usapan nga ngayon sa social media ang isang kahanga-hangang seaman na ipinamalas ang katatagan ng loob at hindi nagpatinag sa anumang pagsubok upang mapanatiling matatag ang kanilang relasyon ng kanyang girlfriend. Nakilala nga ang seaman na ito bilang si Jim Bryan Beray Calonia, isang Head Bar Tender sa Holland America Line. Isa ngang mapalad na seaman si Jim Bryan dahil habang nasa laot at nagtatrabaho sa barko ay natagpuan niya ang kanyang true love sa katauhan ng napakaganda niyang girlfriend, na ngayon nga ay fiancee na niya.

At kabaligtaran ng kasabihang “ang mga seaman ay manloloko”, pinatunayan ni Jim Bryan na kapag nagmahal ang isang seaman ay tunay at tapat ang pagmamahal na ibinibigay nito sa taong iniibig. At sa kabila nga ng mahirap na komunikasyon habang nasa barko ay nanatiling matatag ang kanilang relasyon. Hindi naghanap ang isa sa kanila ng taong makakapitan kapag hindi nakakausap ang isa, bagkus ay pinanghawakan nila ang kanilang tiwala at pagmamahal sa isa’t isa.

At ngayon nga, ay engaged na si Jim Bryan sa kanyang foreigner girlfriend na talaga namang napakaganda at napaka-sexy. Tila naman, lahat ng pagod, puyat at sakripisyo ni Jim Bryan habang nakikipagsapalaran sa barko ay napawi nang makilala at makasama niya ang kanyang mahal na fiancee.

Isang inspirasyon nga ang hatid ni Jim Bryan sa kapwa niya seaman upang huwag sumuko sa buhay pag-ibig dahil sa kabila ng napakahirap nilang trabaho, ay may tao namang handang magtiwala at magmahal sa kanila balang-araw.