Hindi Napigilan ng Mag-asawang Nakatira sa Jeep sa Loob ng Dalawang Taon ang Kanilang Emosyon Matapos Ipakita ni Angel Locsin ang Bago nilang Tirahan at Negosyo

Masasabing isa sa labis talagang nahirapan sa community quarantine na ipinatupad sa ating bansa ay ang grupo ng mga jeepney driver. At mula ng magsimula ang lockdown at hanggang sa kasalukuyan na medyo lumuwag na ang sitwasyon ay nanatiling walang kalinawan kung paano na ang kanilang magiging kalagayan.



At dahil na rin sa takot na mas dumami pa ang mahahawaan ng CoVid-19 lalo na sa mga mananakay ng itinuring na isa sa kauna-unahang pampublikong transportasyon sa bansa ay hindi pa rin pinapayagan ang muli nilang pag-arangkada sa kalsada. At sa kawalan ng kabuhayan ay napilitan na ang iba na gumawa ng paraan at ilan sa kanila ay nakita ng nanghihingi ng limos para lang makaraos sa buhay.

Photo credits: Iba ‘Yan | Abs-cbn   

At para sa jeepney driver na si Tatay Jimmy labis na kalbaryo ang kinaharap nilang mag-asawa dahil sa nangyaring community quarantine sa bansa. Mula nga na magsimula ito ay nawalan na sila ng kabuhayan at mas labis pa silang nahirapan dahil hindi na nagawang makauwi sa kanilang tinitirhan.

Dahil ipinagbawal ang pagpunta sa ibat-ibang lugar ay hindi na nakauwi sina Tatay Jimmy at Nanay Emilia sa kanilang bahay sa Rizal kung kaya napilitan silang manirahan na lamang sa ipinapamasadang jeep. At ayon pa sa mag-asawa ay hihintayin nilang payagan na silang makauwi sa bayan ng Rizal kung saan naroon ang kanilang tirahan.

Samantala, isang hindi inaasahang blessing ang matatanggap nina Tatay Jimmy at Nanay Emilia matapos na malaman ng Kapamilya aktres ang kanilang kalagayan. Sa programang “Iba Yan” na pinagbibidahan ni Angel ay isa sa naging feature stories ang buhay ng mag-asawang Jimmy at Emilia Escalante na dalawang taon ng naninirahan sa kanilang ipinamamasadang jeep.

Sa pakikipanayam ni Angel ay napag-alaman na pareho na pa lang senior citizen ang mag-asawa at ilang taon ng namamasada sa lungsod ng Quezon City upang matustusan ang pag-aaral ng anak na nakatira sa Isabela. Nalaman din ng real life Darna na mula ng magkaroon ng lockdown ay nawalan na sila ng ikinabubuhay dahil sa bawal ng pumasada ang mga katulad nilang jeepney driver.

Samantala isa pa sa naging problema nila ay ang hindi pagkauwi sa tinitirhang bahay sa Rizal dahil bawal pa rin ang pagbiyahe sa ibat-ibang lugar. Sa naturang panayam ay naibahagi rin nina Tatay Jimmy at Nanay Emilia na pangarap nilang maisaayos ang tinitirhan gayundin ang makapagpundar ng ilang kagamitan na hindi na natupad matapos na mawalan ng pinagkakakitaan.

Photo credits: Iba ‘Yan | Abs-cbn

Matapos malaman ni Angel ang istorya ng mag-asawa ay kaagad naman niyang pinag-isipan kung paano niya sila matutulungan. Sa isang bahagi ng panayam ay sinabi ng “The General’s Daughter” actress na ihahatid na nila si Tatay Jimmy at Nanay Emilia sa kanilang tinitirhan at pinagbilinan na mag-impake na mga gamit dahil bukas na bukas din ay makakauwi na sila.

Sa kabilang banda, lingid sa kaalaman ng mag-asawa ay mayroon pang ibang sorpresa si Angel na naghihintay para sa kanila. At pagdating sa tinitirhan nila ay halos hindi na nila makilala ang bahay dahil sa malaking pagbabago nito.



Sa labas ay bumungad sa kanila ang isang sari-sari store na may nakalagay na JeLas Store na hango sa pangalan ng mag-asawa. Labis namang naging emosyonal sina Tatay Jimmy at Nanay Emilia pagkakita sa bagong tirahan lalo na ng pumasok sila sa loob nito kung saan malaking pagbabago.

Photo credits: Iba ‘Yan | Abs-cbn

Mula sa dati nitong itsura mula ng huli nila itong makita ay napinturahan na ito samntalang sa mga gamit naman nilang lumang durabox at ilang mga kagamitan pangluto ay nadagdagan na Ito ng bagong kama, isang sopa at dining set na lalong nagpaluha pa sa mag-asawa dahil matagal na nilang pangarap na makapagpundar ng mga kagamitan para sa kanilang bahay. Hindi pa roon natapos ang sopresa ni Angel dahil binigyan din nila ng isang maliit na negosyong business package sina Tatay Jimmy at Nanay Emilia kung saan ay makakapagluto sila ng siomai malapit sa kanilang bahay.

Photo credits: Iba ‘Yan | Abs-cbn
Photo credits: Iba ‘Yan | Abs-cbn

Sobra-sobrang pasasalamat naman ng mag-asawa sa lahat ng sopresang pagpapalang natanggap nila,

“Hindi ako mkapagsalita, dahil sa saya masayang masaya ako dahil yung pangarap ko sa bahay na ito nakamit ko na,
Nagpapasalamat ako kung hindi dahil sa pagsisipag niyo para sa amin hindi rin namin aabutin to rito,
Nagpapasalamat ako sa Panginoon nagpapasalamat , hindi ako magsasawa na magpapasalamat sa inyong lahat
Sana umunlad itong ibinigay ninyong kabuhayan namin, na iyong pangarap ko sa buhay natutupad,
Akala ko hindi matupad dahil matatanda na kami
Tumingala ka sa Kanya at ihabilin mo ang sarili mo at ang pamilya mo sa Kanya
Pasasalamat ko para kay Ma’am Angel, sa inyo at sa buong staff ng channel 2(ABS-CBN)”, masayang pagbabahagi pa ng mag-asawang Jimmy at Emilia.



Umani naman ng maraming papuri sa netizen ang ginawang pagtulong ni Angel sa kanila,

“Elvie Borja-Bulauan –
salute to you ms angel locsin ganda ng programa mo god bless po sa inyo at sa buong team ng ibayan ???”,
“Rey Galvez –
God bless Madam Angeĺ # Iba Yan# Iba k talaga pag tumulong s kapwa more power sau at s lahat kapamilya”,
“Dingdang Cabardo –
Grabe iyak ko kanina nung pinapanood ko Talagang may puso❤️ Miss Angel God bless?❤️”,
“Janice Pascual Lagria –
Naiyak nmn aq.. God bless you Miss Angel at sa buong staff ng IBA YAN.. ❤️❤️❤️❤️”,
“Alex de Luna –
Salute to you Idol Ms Angel Locsin ?? ?”.