Matapos ang mahigit tatlong buwang LDR o long distance relationship, masayang masaya ang Kapuso celebrity na si Heart Evengelista dahil nakapiling na niyang muli ang kanyang asawa na si Governor Chiz Escudero.
Ibinahagi ni Heart sa kanyang 6.1 million Instagram followers nito lamang Martes, Hunyo 28, ang kanilang muling pagkikita na talaga naman bakas sa kanilang mukha na labis ang pagka-miss sa isa’t isa.
“At long last! @escuderochiz. [heart emoji],” saad niya sa kanyang post.
Ayon sa ulat ng entertainment website na Pep.ph, pansamantala munang nagkahiwalay ang dalawa dahil sa enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic. Dahil nga dito ay kinailangan na manatili si Chiz sa Sorsogon upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang governor ng lungsod samantala si Heart naman ay nanatili sa Manila.
“Mahigit isang daang araw ring hindi nagkita sina Heart at si Chiz, simula noong ipasailalim ni President Rodrigo Duterte ang bansa sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong March 15 upang pigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa Pilipinas.
“Naging busy naman si Chiz sa pagpapatupad ng quarantine guidelines sa kanyang nasasakupan bilang governor ng Sorsogon.
Matatandaan na halos kakasimula pa lamang noon ng community quarantine ay nagpahayag na agad ang 35-year-old Kapuso actress ng pagka miss sa kanyang asawa. Kaya naman gumawa ng paraan si Chiz upang mabawasan ang pagkalungkot at pagkabalisa ni Heart kahit pa sila’y magkalayo.
Ayon sa post ng aktres noong Marso 16, ibinili di umano siya ng kanyang asawa ng isang over-sized hoodie na ginawa nitong security blanket.
“Because my husband knows that I’ve been anxious lately, he bought me this oversized hoodie which I use as my security blanket. This was my look for today while I work on this long-distance relationship as he is busy in Sorsogon. By staying home, we do our part in helping keep others safe. Let’s continue to pray for our country and for the world.” saad ni Heart sa kanyang Instagram account.
Kaya naman ngayon na nagpatupad ang ating gobyerno ng mas maluwag na community quarantine sa maraming parte ng ating bansa ay nagkaroon na rin ng chance si Chiz na makauwi sa Manila.