Gretchen Barretto at ang kanyang Nag-iisang Anak na si Dominique Cojuangco Nagkita na Matapos ang “7 Flights Cancellation”

Hindi maitago ng socialite at dating aktres na si Gretchen Barretto ang saya matapos muli niyang mayakap ang kanyang unica hija na si Dominique Cojuangco.




Ito kasi ang kauna unahang pagkakataon na nakapiling niyang muli ang kanyang kaisa isang anak sa kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco matapos ang ilang buwan na sumailalim ang ating bansa sa community quarantine.

Maliban sa Pilipinas, nagpatupad rin kasi ng lockdown sa iba’t ibang panig ng mundo upang pigilan ang mabilis na pagkalat ng mapanganib na sakit na tinatawag na Novel Coronavirus disease o Covid-19. Dahil nga dito madaming industriya ang pansamantalang pinatigil at ang iba naman ay binawasan ang operasyon kabilang na ang international at domestic flights.

Sa kanyang Instagram account nito lamang Sabado, ika-11 ng Hulyo ay nagpost si La Greta ng isang short video clip na kuha mula sa kanyang bahay sa North Forbes Park sa Makati. Makikitang sinalubong niya ng mahigpit na yakap ang anak na nanggaling pa sa San Francisco, California.

Sa nasabing video ay makikita rin na todo yapos ang kanyang anak na halatang sobrang namiss ang kanyang Mommy Gretchen. Ayon pa nga sa caption ng kanyang ina ay umabot na di umano ito sa 7 flight cancellations bago napayagang makabyahe.

Saad niya sa kanyang post, “I get to kiss and embrace Dominique [after] 7 flight cancellations from San Francisco.”




Kasalukuyang naninirahan si Dominique sa California kung saan rin siya gumraduate bilang magna cum laude nitong Enero ngayong taon sa kursong merchandising and marketing sa Fashion Institute of Design and Merchandising (FIDM). Kaya naman ng magka lockdown ay doon na rin siya naabutan at nahirapan na ngang makabyahe papuntang Pilipinas.

Inunahan na rin ng dating aktres ang mga taong pwedeng kumwestiyon pa kay Dominique kung sumunod ba ito sa safety protocols o quarantine sa pamamagitan ng paglilinaw nito sa naturang post na negative ang test nito sa nasabing nakahahawang sakit bago pa man lumipad pabalik ng bansa, “covid 19 NEGATIVE,” dagdag pa ni La Greta.

Noong Marso naman na halos kakasimula palang ng lockdown sa Pinas maging sa California ay nagbahagi si Dominique kung paano niya inaalagaan ang kanyang sarili at namumuhay habang malayo sa piling ng kanyang pamilya.

“Been on lockdown for ten days now—working at home and drinking lots of vitamins. This type of self-care is not available to everyone. I’ve been rationing my food as much as possible, but this is some people’s reality everyday,” saad nito.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *