Construction Worker Na Lolo Hinangaan Matapos Gawan Ng Sariling Swimming Pool Ang Kanyang Mga Apo

Sa nakalipas na ilang buwan masasabing marami na ang talagang labis ng nainip dahil sa kawalan ng pagkakataon na gawin ang mga nakagawian ng gawain. At nitong nagdaang summer mas nakadagdag pa sa labis na pagkainip ang matinding init na naranasan.

Dahil sa hindi makalabas ang ilan ay pinili nilang maglibang sa loob ng kanilang tahanan at upang maibsan ang init na dulot ng summer. Ilan nga ay nakaisip mag-improvised na katulad ng paliligo sa drum maging sa mga nabibiling inflatable pool.



Samantala, para kay Lolo Alfredo kakaibang pamamaraan ang kanyang ginawa para mabawasan ang nararamdamang init ng kanyang mga apo. At hindi pa pwede na pumunta sa mga swimming pool mapa-pampubliko man o pribado ay ginawan ng paraan ni Lolo Alfredo na makapagswimming ang mga apo sa sarili nilang tahanan.

Photo credits: ABS-CBN News     

Unang ibinahagi ng ina ng mga bata na si Aling Blessie na pinag-isipan nilang bumili ng inflatable na pool para sa mga anak na usong-uso ngayon sa mga nagnanais na maenjoy ang pagsiswimming sa loob ng kanilang bakuran. Subalit hindi kalaunan ay isinalang-alang ng ina ng mga bata na baka madali itong masira lalo na at malilikot pa ang mga ito.

Photo credits: ABS-CBN News
Photo credits: ABS-CBN News



Dito na pumasok sa kaisipan ni Lolo Alfredo na gumawa ng sariling swimming pool para sa pamilya at naisip niyang isaayos ang lumang kulungan ng mga alagang baboy upang gawing swimming pool para sa kanyang mga mahal na apo.

Photo credits: ABS-CBN News
Photo credits: ABS-CBN News

Sa kabilang banda, masasabing naging madali kay Lolo Alfredo ang pagsasaayos ng nasabing kulungan upang gawing swimming pool dahil nagtatrabaho pala siya bilang isang construction worker. At loob lamang ng halos anim na araw ay nagawang tapusin ng malikhaing Lolo ang swimming pool para sa mga apo na nagkakahalaga lamang ng halos 4,000 libong piso.

Photo credits: ABS-CBN News



Makikita sa mga kuhang larawan na ibinahagi ng pamilya mula sa pagsisimula ng konstruksiyon nito hanggang sa ganap ng makumpleto. Mas lalo pang nagpaganda sa sariling swimming pool ng pamilya ang kulay nitong asul na masasabing bagay na bagay talaga tuwing summer.

Photo credits: ABS-CBN News

Tuwang-tuwang ibinahagi naman ni Nanay Blessie ang ilang mga larawan ng mga anak niyang sina Rica Mae, Ricailla Maine, at Rick Alfred. Malaki naman ang pasasalamat ng mga bata sa kanilang Lolo Alfredo na siyang nakaisip na gawan sila ng sariling swimming pool.