Marami sa atin ang naghahangad na magkaroon ng engrandeng kasal dahil ito’y minsan lang sa buhay natin maaaring mangyari. Ngunit, sa panahon ngayon, ang pagpapakasal ay nakakabutas talaga ng bulsa sa sobrang mahal. Kaya naman, ang pangarap na engrandeng kasal ay nauuwi na lamang sa simpleng kasalan.
Ngunit ang kwento ng bagong kasal na sina Guilly at Dominique ay isang inspirasyon sa mga nais magpakasal at gustong makatipid. Sina Guilly at Dominique ang nagpatunay na hindi kailangan ng napakalaking halaga upang magkaroon ng maganda at engrandeng dream wedding.

Dahil ang kanilang dream wedding ay naisakatuparan nila sa halagang P50,000 lamang, at tanging ito lamang ang nagastos nila hanggang matapos ang kanilang kasal. Ngunit, paano nga ba nila naisakatuparan ang kanilang napakagandang dream wedding sa murang halaga lamang?

Ang masayang karanasan nga nila Guilly at Dominique ay kanilang ibinahagi sa Bride and Breakfast, nang sila’y makapanayam.


“We have always reminded ourselves to just buy whatever is necessary. Whenever there’s something we want ro add to our list, we’d ask ourselves, ‘We will not be wed without this?’ If yes, then we have to buy or consider it. If not, then we will scratch it off”.

Ang mga bisita sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib ang limitado lamang, kabilang na nga rito ang malalapit nilang kaibigan at ilang miyembro ng kanilang pamilya.
“Our guests list started with 110 people and we knew that would entail expenses way beyond our budget. So, we decided to have just our immediate family and very close friends who were our bridal entourage as well”.
At ang pinakamahal na nagastos lamang nila ay ang kanilang wedding ring na nagsisilbing simbolo ng kanilang pagmamahalan at pag-iisang dibdib.
“The most expensive item on our wedding list is our wedding rings. This is the only item we splurged on since we know that this will be te symbol of our marriage for a lifetime. So we had to pick something that will definitely stand the test of time. For the other things, we made it point to be as reasonable as possible”.
At upang mas lalong makatipid, naisip nilang mag-DIY ng mga gagamitin sa kanilang kasal, magmula sa invitation, decor at mga larawang ginamit sa luncheon venue. Maging ang gown na suot ng bride ay gawa rin nila.
“We DIY-ed our invitations from the layout and cutting it and sealing it with a sentimental touch because the flowers we attached are part of the very first bouquet my husband gave to me. We also DIY-ed the layout and printing of the photo displayed in luncheon venue. We also DIY-ed my veil. We purchased it on an online sale and added pearl accents all over it. The Church decor, cake, welcome board, and even my wedding gown were personally designed by us.”

“We really satdown and discussed our financial standing and what kind of wedding we can afford with the options laid out. Sure, we can choose a half a million wedding, but it’ll take us more than a couple of years to save up. We mutually agreed that our wedding is just the beginning of our lives together, and if there’s something we would save up for, it should be our future family, and not the ceremony.”

“It will surely be a challenge, but seeing our collaborative efforts come together was our first successful project as husband and wife.”
Makikita nga sa mga larawang ibinahagi ng Enshong Miranda Photography kung gaano kaganda ang DIY nilang mga ginamit sa kanilang kasal. Bagama’t, hindi gumastos ng malaki ang bagong kasal kitang-kita naman na napakaganda ng resulta ng kanilang pagtutulungan at tamang pagba-budget upang maisakatuparan ang kanilang dream wedding.

Talaga nga namang hindi man lang nabutas ang bulsa ng bagong kasal para sa kanilang dream wedding at naging masaya ang espesyal na araw ng kanilang pag-iisang dibdib na makikitang puno ng pagmamahal sa isa’t isa.
source: brideandbreakfast.ph